Jax slammed the front door of his condominium unit. Hindi na siya umuwi sa bahay niya. He knew he’s not in a good state to drive. Mabuti na lamang at malapit lang sa hotel ang condo niya. The drive was not long, but it took a lot of effort to concentrate on his driving. Nanlalabo na kasi ang mga mata niya, dagdagan pa ng hindi maintindihan na damdamin na lumukob sa kaniyang puso.
Nakakuyom ang kaniyang mga kamao at gustong sabunotan ang kaniyang sariling buhok. Hindi siya makapaniwala sa sarili. What he did was so out of the line. Walang kamalay-malay ang babaeng iyon na ginagamit niya ang imahe nito sa isip niya habang may katalik siya.
“f**k! What were you thinking, you stupid s**t?!” Itinukod niya ang dalawang kamay sa bar counter ng kaniyang condo. Hinihingal siya at namumula sa galit; galit para sa sarili.
“s**t!” Inis na hinilamus niyang ang mga palad sa mukha. He's just making everything more complicated. Pinatulan niya si Monica sa pag-aakalang mabubura sa isip niya si Bree, pero isa pala iyong maling hakbang.
How can he go back to his office and face that woman? At ano ba ang pumasok sa isip niya at naisip niya si Bree habang bumabayo doon kay Monica? It was like his mind suddenly switch on and thoughts about Bree came rushing like a flash flood.
He’s sure of himself that he’s not attracted to that woman sexually. What he’s sure was that she irritates the hell out of him. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang lumabas sa isip niya ang babaeng iyon. Hindi niya pinagnanasaan ang babaeng iyon!
He wanted to punch himself!
His goal for tonight was to forget about her. Pero mas lalo pa yatang lumala ang problema niya. She will forever be etched inside his mind whenever he will try to have s*x with someone. Ang malala pa ay baka bigla na naman itong lilitaw sa isip niya sa susunod na makipagtalik siya!
Kumuha siya ng isang bote ng alak mula sa kaniyang stash. He chugged almost half of the contents, but still feeling unsatisfied. Muli niyang tinungga ang bote hanggang sa maubos niya ang laman niyon. Kumuha siya ng panibagong alak at dinala iyon sa sala.
He wanted to drink and wash all those memories out of his head.
He slumped on the floor and headed down with a bottle of beer in his hand. He felt so lost and confused.
Kinuha niya ang wallet sa likod ng suot na slacks at hinila mula roon ang larawan ng namayapang asawa.
Katherine was smiling vibrantly on that picture. Nobya pa niya ang babae noong kinuha ang larawan na iyon. That was one of the best days of his life. Kasasagot lang nito sa kaniya at walang pagsidlan ang saya na nadarama niya noong mga panahon na iyon. At kahit na maraming bumabatikos sa relasyon nila, hindi sila natinag hanggang sa ikasal sila sa simabahn at bumuo ng sariling pamilya. They proved those people that they were wrong, that what Jax and Kath have was pure love.
Marami kasing nagsasabi na ginagamit lamang siya ni Kath para sumikat ito bilang artista. They branded her as a gold digger and a user, but it was all not true. Totoo ang nararamdaman nila par sa isa’t-isa. Mabuti na lamang at hindi siya sinukuan nito at naging matatag ito kahit na maraming bumabatikos dito.
Looking at her smiling and kind face made him feel even more guilty. Pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya ang asawa sa nagawa kanina. He didn’t know what has gotten into him. He promised on Kath’s grave that he will not rest until her murderer will rot in prison. Nangako siya sa mga magulang ng babae na hindi niya kalilimuta ang anak nito.
“I’m so sorry, honey.” Hawak niya sa kamay ang larawan ng namayapang asawa. Ang sama-sama ng loob niya. Naawa siya sa asawa, hindi niya alam kung paano niya nagawa ang kababuyan kanina. Binigo niya ito.
“I’m so sorry. God! I’m so sorry!” Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata ni Jax, at nasundan iyon ng marami pa. Hinayaan niya ang sarili na umiyak para sa asawa. He’s not over her yet. The pain was still there, hidden in the deepest pits of his scarred heart.
Images from the past flashed in his mind. Kath’s naked and lifeless body when they found her. nakadilat pa ang mga mata nito pero wala na ang ningning ng mga iyon. Ang kaniyang balat ay maputla at puno ng pasa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito. She was already in the decompositon state when they find her. Her cause of death was asphyxiation. Ibig sabihin namatay ito sa sakal, at makikita iyon sa marka na nasa leeg nito.
Muling napuno ng puot at sakit ang puso ni Jax. Napahagulhol si Jackson sa sama ng loob. Ang sikip-sikip ng kaniyang diddib at nahihirapan na siyang huminga.
“Oh, god, Kath,”
How can he ever forget his wife? How can he let himself got distracted by some woman he just knew recently? Hindi pa nga niya nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pinakamamahal na asawa. Hindi pa nahuhuli ang pumatay rito. He should be focusing on finding who the culprit is. Hindi niya napanindigan ang pangako niya rito.
“Honey, I'm so sorry I hurt you.”
Hilam ng mga luha ang mga mata niya Jackson. Dinala niya sa kaliwang bahagi ng dibdib niya ang larawan ng asawa at doon na siya napahagulhol ng todo. He needs to give her justice. Pero ano ang ginawa niya?
He betrayed her! He betrayed his dead wife! Pinukpok niya ang dibdib sa tindi ng sakit na naramdaman. Humiga siya sa sahig at doon patuloy na umiyak. Umiikot na ang paningin niya at kaunti na lang at lalamunin na siya ng kadiliman.
Jackson closed his eyes and let himself be devoured by darkness. Sa tindi ng naramdaman niyang kalungkutan ngayon, parang gusto na lamang niyang mamatay para makasama ang asawa. Pero alam niyang hindi niya magagawa iyon dahil kay Amy. He can’t just leave her yet.
Nakatulugan niya Jackson ang posisyon na iyon. Hindi na niya naubos ang alak na iniinum, at doon na rin siya nakatulog sa sahig, hawak ang larawan ng asawa sa dibdib niya.
His body shut off from the world. Dala na rin ng kalasingan at ang matinding sama ng loob na dinadala niya, nakabuo ang isip niya ng mga hindi kanais-nais ng mga imahe. Horrible images haunted him in his dreams.
That night, he dreamed of a devilish laughter of a woman. He saw only darkness, but the evil voice echoed everywhere. Nakakakilabot ang tawa nito, at kahit na ano pang pilit ni Jax na takpan ang tainga niya ay hindi nawawala ang tawa nito.
He dreamed of his wife being murdered, and the images were so vivid, and unlike his previous dreams, this one’s the most brutal of all. Sa panaginip niya ay nakikita ang totoong pumatay ng asawa niya, isang babae at masayang-masaya ito habang walang awa na pinagsasasaksak ang kaniyang pinakamamahal na asawa.
Jackson shivered as he witnessed how the woman tortured his wife. Panay ang iyak ng kaniyang asawa at ang babae naman ay tawa lang ng tawa, natutuwa sa ginagawa nito.
Jackson wanted to shout but no voice came out from his mouth. Kahit na anong pilit niyang sigaw ay wala pa ring nangyayari. It just made him more desperate. Gusto niyang tumakbo pero hindi siya makaalis sa kinatatayuan.
“Jackson... Jackson... Help me, please.” Iyon ang huling salita na binitiwan ni Katherine bago ito binawian ng ng buhay. Ang mata nito ay dilat, nakatingin sa kaniya ng may pagsisisi. Siya ang sinisisi nito. Hindi niya ito tinulungan noong may pagkakataon pa na mailigtas ito.
In his dream, it was Bree who killed Katherine. Mala-demonyo itong tumawa habang nababalot ang buong katawan nito ng dugo ng kaniyang asawa. Ang ngisi nito ay nakakatakot at pinangako nito na siya ang isusunod nitong papatayin.
“Don't, please,” mahinang daing ng natutulog na si Jax. Mariin nitong kinuyumos ang larawan na nasa kamay nito. Nababalot ng pawis ang buong katawan nito, ang kaniyang paghinga ay bumilis, at ang pabaling-baling ang ulo nito.
Jackson was crying while he was asleep. Ang pangamba na nadarama para sa kaligtasan ng asawa ay nag-uumapaw. He wanted to reach for Katherine, but she seemed too far for his arms to reach. Kahit na anong pilit niyang abot dito ay panay naman ang layo ng bulto nito.
Nagulantang siya nang sa halip na maabot si Kath ay may isang kamay na may mahahabang kuko ang biglang humawak sa braso niya. A woman’s witchy voice said on his ear, “You are mine, Jackson Samaniego. You can’t escape me. Papatayin ko ang lahat na magtangkang ilayo ka sa akin. Look at you wife now, she tried to take you away from me, now she’s useless and dead.”
Tumawa ito at nanginig ang buong katawan ni Jax dahil sa matinding takot. He tried to pull his arm from her grip, but she’s too strong. He was so terrified to the bone. Bree killed his wife!
“Jackson!” Napalingon si Jackson sa boses ng asawa na tinatawag siya. Wala siyang ibang makita kung hindi ang dagat ng kadiliman. “Jackson! Huwag kang lalapit sa kaniya! Masama siyang tao, ipaghiganti mo ang pagkamatay ko, please! Nakiki-usap ako, bigyan mo ng hustisya ang pagpatay nila sa akin! Huwag mo akong kalimutan! Parang awa mo na, mahal mo naman ako, hindi ba?”
Nagmamaka-awa ang boses nito, pero hindi na ito nakita ni Jackson. Jackson wanted to shout in pure rage. For the second time, he was not able to save Katherine from her murderer. Napuno ng galit ang puso niya sa babaeng may hawak ng kaniyang braso, pero sa paglingon niya ay wala na ito sa tabi niya.
Narinig na lamang ni Jackson ang matinis na sigaw ni Katherine. She screamed like her life was sucked out of her body. Isang sigaw ng taong sinaktan ng matindi. Pagkatapos ng sigaw ni Kath ay sumunod naman ang tawa ni Bree. She's so happy.
“Kath! No! Please, don’t hurt my wife!”
Jackson’s eyes flew open. Habol niya ang hininga nang bumangon siya ng walang pasabi. He clutched the fabric of his shirt while he was catching his breath. Nanginginig pa ang buong katawan niya sa naging panaginip niya. It was so vivid. Parang nandoon talaga siya.
Dahil sa biglaan niyang pagbangon ay umikot ang ulo ni Jackson. He closed his eyes and steady his breath. Rinig niya sa kaniyang tainga ang malakas ng kabog ng kaniyang puso. It was a very scary dream, and at the same time, it was heart-wrenching. Muling namumbalik ang sakit ng pagkamatay ni Kath. He knew that he never really overcame the pain of her death. Nagtatago lang, pero hindi nawala.
Pinahid niya ang pawis sa noo. He was bathe in his own sweat.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Medyo naguluhan pa siya kung nasaan siya at kung paano siya napunta sa lugar na ito. His mind was still numb. Pero kalaunan ay naalala niyang sa condo pala siya umuwi dahil nakainum siya.
Maliwanag na ang paligid. The light from the sum came through the glass door in the porch. Nakabukas pa ang ang glass door kaya malakas ang hangin na pumapasok at gumagalaw ang kurtina.
It downed into him that fell asleep on the floor while crying last night. Nang tingnan niya ang kamay ay nandoon pa ang nagusot na larawan ni Katherine.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. It was more than a year since he had a nightmare. Ngayon lang ulit siya nanaginip ng ganoon, at ang malala pa ay napakalinaw ng mga pangyayari doon sa panaginip niya. And Bree was also there, he couldn’t understand why she was there in his dreams. Ano ang ibig sabihin ng panaginip na iyon?
He needs an answer. Right now!
Hinilamus ni Jax ang palad sa mukha niya para mas gisingin pa ang sarili. Hinanap niya ang cellphone at tinawagan ang kaibigang psychiatrist, na si Trisha Saavedra. Isa ito sa malalapit niyang kaibigan at ito rin ang tumulong sa kaniya noong mga panahon na lugmok siya mula sa pagkamatay ni Katherine. He developed depression, and the nightly visitations of nightmare made it worst for him.
He became suicidal, which made it difficult for the people around him to handle him. Ilang beses siyang naospital noon sa pagtatangkang magpakamatay. But every time he tried to hurt himself, his friends reminded him that the culprit was still out there, that he can’t die just yet. He still needs to punish the killer.
Ito ang mga panahon na napagdesisyonan niyang sa mga magulang muna niya namatili si Amy. Hindi niya kayang masakasihan ng anak niya kung gaano siya ka wasak sa mga nangyari.
Thankfully, because of Trisha’s help, and those people who really care about him, he overcame depression. The nightmares stopped and he was on his way to being a better version of himself. Kaya naguguluhan siya kung bakit bumalik ang masasamang panaginip na iyon.
After her death, he became a changed man. He had trust issues and he opted for the company of himself alone. Hinayaan lamang siya ng kaniyang mga kaibigan sa mga pagbabago niya. Kath’s death changed him, and it was for the worst.
“Okay, I’ll be there in a few.”
Trisha agreed to accommodate him in her clinic. Mabilis na naligo si Jackson at naghanda. He had spare clothes in his condo. Dito siya natutulog sa tuwing nalalasing siya at hindi na kaya pa na magmamaneho pauwi sa bahay niya.
An hour after, Jackson was inside Trisha’s clinic. Nakaupo siya sa isang plush seat, kaharap ang batang doktor.
Trisha was eyeing Jackson as she listened to what he was saying. Isinalaysay ni Jax kung ano ang nangyari kagabi bago ito natulog, pati na rin ang panaginip nito ay detalyado na sinabi ni Jackson kay Trisha. Jackson didn’t leave any detail behind, except for his annoyance towards Bree. Hindi niya iyon sinabi kay Trisha at baka ano pa ang iisipin nito. The last thing he wanted to happen was to be involved with Bree.
Nang matapos isalaysay ni Jackson ang panaginip niya ay nakaramdam siya ng panghihina. His mind and heart were exhausted. Nakakapagod din kapag marami kang dinadalang problema at maraming iniisip.
“So, this woman named Bree. She appeared in your dream, right? She's your new secretary?”
Trisha jutted down notes on the paper she had in her hand. Mga detalye iyon na sinabi ni JAckson, it was only for record purposes.
Tumango si Jackson. Hindi niya gusto na nadadamay ang babaeng iyon sa personal na nangyayari sa buhay niya, pero kailangan niyang sabihin iyon kay Trisha. He trusted her. But, of course, less the part where he’s irritated to that woman even without a valid reason.
“What is she to you?” Trisha asked blatanly. She even c****d her head to one side and waited for Jax reaction. Hindi siya umasa na sasagutin nito ang tanong niya. She knew he will deny it.
Jackson was shocked at Trisha’s question. Nanalaki ang mga mata nito at napatitig sa doktor. Hindi nakapagsalita si Jackson. Ano ba ang dapat niyang isagot kay Trisha? Should he tell her the truth? Hell, no!
Ngumiti si Trisha at inilapag ang ballpen at notebook na hawak sa mesa. She crossed her legs and leaned her back into the back rest of the sofa. Pinag-ekis ni Trisha ang dalawang braso sa dibdib niya. Hinihintay nito ang sagot ni Jax na parang hindi alam kung anong gagawin. He was shocked at her blatant question. Gusto sanang matawa ni Trish sa reaksyon ng kaibigan, pero kliyente niya ito ngayon.
She knew that this Bree woman stirred something inside his friend. He's just too hard to even acknowledge it.
“What do you mean, what she is to me? I told you, she’s, my secretary.”
Tumango si Trisha. Muli nitong kinuha ang papel sa mesa at nagsulat doon. She was even humming a song while she jutted down her observations. She will review it later.
“What do you think are the reasons why she was in your dreams? Did you think about her more often? There must be something, Jax. As I’ve said before, a person will not appear in your dreams for no reason. Even for a very small reason.”
“Of course, not!” Jax answered almost immediately, defensively even. “I just see more ofter since she worked for me. Should I fire her then? I can’t let those nightmares bother me again, Trish.” Tila nahihirapan na si Jackson. Those dreams were so hard for him. Nakikita niyang pinapatay ang asawa sa mga panaginip na iyon, hindi niya gusto na muling mapanaginipan iyon. He should do something to stop those from coming back.
Hindi na ipinilit ni Trisha ang tungkol sa babaeng nagngangalang Bree. She knew that it will not take long for Jax to tell her the real deal between the two. Hindi naman ito lilitaw sa panaginip ni Jax ng walang dahilan. There should be a trigger point to all of these. It was more than a year, and Jax was recovering already. Hindi naman papayag ang doktor na kaibigan ng lalaki na bumalik pa si Jax sa pinagdaanan nito noon.
Base kasi sa salaysay ni Jax tungkol doon sa panaginip nito, si Bree ang pumatay kay Kath. For Trish, it was his subconscious’ way of telling Jax to get away from Bree. Ang ideyang iyan ay matagal na naglalangoy sa isip ng lalaki, hindi man nito maamin ay alam ni Trish na may nararamdaman ito para kay Bree. She's not sure what it was, but she’s sure that Jax was in denial stage right now. Hindi niya ito pipilitin, kusa itong aamin sa kaniya.
Until then, she will just have to monitor him. Nagreseta ng gamot si Trish para makatulog nahimbing si Jax.
“Thank you, Trish.”
“Ano ka ba, wala iyan. Ang laki kaya ng ibinayad mo, syempre ikaw ang uunahin ko.” Kumindat ang doktora kay Jax.
Napailing na natawa si Jax sa kaibigan.
“No, really. Thanks for always being there. You were always a call away.”
“I just did what I can do for a dear friend, Jax. Basta ba, balitaan mo ako kung may bagong nagpapatibok diyan sa mala-bato mong puso.”
“Well, sorry to burst your bubble, my friend, but that will never happen.”
Dumiretso na si Jax sa opisina niya. He had work to do. Lalo na ngayon na nalalapit na ang annual grand ball ng kaniyang kompanya. Kailangan niya pagtuonan iyon ng pansin dahil parte iyon sa marketing strategy nila.
When it comes to his company, Jackson was very hand-on. Hindi lalago ng ganoon kalaki ang pinamanang kompanya ng mga magulang niya kung hindi siya nagsusumukap na umangat ito sa pinakatuktok. That’s the reason why he’s so strict at work. He has no room for mistakes. Maraming silang kakompetensiyang kompanya, at hindi papayag si Jackson na maungusan.
He thought of Bree. He just wished she was already transferred to another department. Iyon naman ang sabi ni Cindy sa kaniya. Bree will be under probation. Sa ibang department muna ito, o baka doon na lang talaga ito para hindi na niya ito makikita.
Naisip ni Jax na baka magkaroon lang siya ng kapayapaan kapag hindi na niya ito makikita. Maybe, just maybe, he will, finally forget about her. He just hoped so. Sekreatrya niya lang ito, iyon ang isiniksik ni Jax sa isip niya habang papasok sa gusali.
Sinalubong siya ni Rex, ang kaniyang personal assistant. Ngayon lang ito muling pumasok pagkatapos nitong magpaalam na umiwi sa probinsya dahil namatay ang kapatid nitong babae. He's been gone for almost a month.
“Good morning, Mr. Samaniego,” magaling na bati nito, nakatayo ito sa gilid ng entrance ng Diamond building, hinihintay ang pagdating ng amo.
Tinanguan ni Jax si Rex. “You’re back already?”
“Yes, sir. I’m officially back to work starting today.”
“Good.”
Matangkad na tao si Rex. He's been working for Jackson for five years now, and he knew his boss very well than the rest of the employees. Being his personal assistant, he deals almost with his personal life of Jackson, hindi lang sa negosyo nito. He works for him twenty-four/seven days a week.
Sumunod ang binata sa amo patungong opisina nito sa ika-30 na palapag. They were silent during the elevator ride. Si Rex ay nakatayo sa likod ni Jax, habang si Jax naman ay tahimik na nag-iisip, ang mukha ay walang emosyon at ang nakasuksok sa bulsa ang dalawang kamay nito.
He was actually nervous, and he hates it. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa harap ng babaeng iyon. Naturingan siyang isang napaka-istriktong CEO sa kompanya niiya pero ito siya ngayon kinakabahan na makaharap isa sa mga empleyado niya.
Jax tapped his foot on the elevator floor and groaned in frustration. “f**k!” mahinang mura ni Jax sa sarili.
Nagtatakang napatingin si Rex sa amo. Parang mayroong nagbago rito na hindi niya lang maturo kung ano. Isang buwan lang siyang nawala pero parang ibang-iba ang awra nito ngayon.
When the door of the elevator opened, Jax’s breath hitched. Nagbuga na lamang siya ng isang mabigat na hininga bago tinahak ang daan patungo sa opisina niya. Madadaanan niya ang cubicle nina Bree, kaya naman nang nasa tapat siya ng glass door ay hindi niya maiwasang lumingon doon.
Gustong kutasan ni Jax ang sarili dahil hindi niya napigilan na mapalingon doon.
Ang akala mo ba ayaw mong makita dahil naiinis ka? The villian part of his brain confronted him.
Bree’s assigned seat was empty. Iyon lang ang nakita niya kaya nagmamadaling lumakad si Jax.
All throughout the day, he didn’t see Bree. Medyo nakahinga ng maluwag si Jax. Kaya nang pumasok si Chelle, isa sa mga sekretarya niya, hindi maiwasan ni Jax na magtanong dito.
Sa ikalawang pagkakataon ay gustong kutasan ni Jackson ang sarili.
“Did miss Ocampo resigned?” Hindi nag-abala si Jackson na tingnan ang babae sa harap niya. Patuloy niya lang pinirmahan ang mga papeles na kailangan ng approval niya.
“Nilipat na po siya ni miss Cindy sa marketing department, Mr. Samaniego. Doon na siya simula ngayon araw,” magalang na sagot ni Chelle.
Napatango si Jackson. At least, he will not be bothered anymore. Hindi niya na makikita ang babaeng iyon kaya wala ng rason para bigla na lang iyon susulpot sa isip niya. Now, he can finally be at ease.
Or so he thought.