Chapter 9

2294 Words
Malapad ang ngisi ni Chelle habang papalapit ito sa mesa na inukopa ni Bree sa cafeteria. Nag-chat kasi si Chelle na hintayin niya ito at sabay na silang mananghalian dahil may bagong tsismis daw ito ito. Gustong irapan ni Bree ang kaibigan. Katulad ni Bree ay isa rin na contractual employee itong si Chelle. Kasabayan din ito ni Bree, ang pagkakaiba lang ng dalawa ay si Bree ay hindi pa tapos sa kolehiyo. She applied for the position as assistant secretary, but Bree didn’t expect that she’ll be hire. Mismong ang executive secretary ni Mr. Samaniego ang tumawag kay Bree para sabihin na natanggap siya sa posisyon na in-applyan. Sumakto talaga sa timing ang pagkatanggap niya dahil pinalayas siya ng landlady niya sa inuupahang apartment dahil delayed na siya sa mga bayarin niya. Ayaw na din nito tanggapin ang paunang bayad niya dahil patung-patong na talaga ang utang niya sa ginang. May extra naman siyang pera kaya iyon ang ginamit ni Bree para makapaghanap ng mas murang paupahan. Hindi naman siya nabigo at kaagad na nakakita. Bonus pa dahil ang bait ng kaniyang land lady na si aling Oping, biyuda ito may dalawang anak na babae. Excited na umupo si Chelle sa harap ni Bree kahit hindi pa ito naka-order ng pagkain. Mukhang hindi nito p’wedeng ipagpaliban ang tsismis na dala. “Bakit ganiyan iyang ngiti mo? Alam mo, nakakatakot kang tingnan, para kang tanga.” Natawa si Bree sa mukha ng kaibigan. Chelle just rolled her eyes, but after rolling them, her eerie smile came back to life again. “Alam mo ba?” Panimula nito. Itinukod ni Chelle ang dalawang braso sa lamesa at mas inilapit ang mukha kay Bree. “hindi ko alam, ano ba iyang tsismis na sinasabi mo? Alam mo bang kutang-kuta ako sa tsismis ngayong araw? Ang daming issue lalo na kay sir Jax.” Napanguso na lamang si Bree nang maalala ang mga pinag-uusapan ng mga ka-team niya sa marketing. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nabawasan ang sama ng timplada niya sa mga naririnig. Mas lalo lamang na lumaki ang ngisi ni Chelle. Hinampas nito ng malakas ang brasao ni Bree. “tungkol nga kay sir Jax ang sasabihin ko sa’yo. Pero promise mo, girl dapat walang ibang makakaalam nito ha? This will be between you and me.” “Umorder nga muna tayo ng pagkain, kailangan kong bumalik sa hall bago mag-ala una dahil ang dami pa namin na kailangang tapusin ngayon. Bukas na kaya ang event, kaya dapat matapos namin lahat ngayong hapon.” Pumila ang dalawa para maka-order ng pagkain. Pagkatapos nilang makuha ang kanilang mga orders ay muli silang bumalik sa kanilang lamesa. Bree immediately started eating the moment she took her seat. “Alam mo bbang hinanap ka ni sir Jax kanina sa akin?” Napatigil sa pagsubo ng pagkain si Bree sa naging pahayag ni Chelle. Nang mag-angat siya ng tingin ay nandoon na naman ang makahulogan nitong ngiti. Bree was shocked for a moment. Totoo ba iyon? Siya? Hinanap daw ni sir Jax? Anong dahilan? Bree doesn’t want to put meaning to what Chelle said. Maraming dahilan kung bakit hinahanap ng amo ang isang empleyado. Masyado lang talagang kakaiba ang takbo ng isip nitong si Chelle kaya kahit nga simpleng bagay ay binibigyan na nito ng kahulugan. “Bakit raw?baka may kailangan siya tungkol doon sa kasalanan ko doon sa kusina ng bahay niya.” Iyon ang gustong isipin ni Bree. Ayaw niyang mag-isip ng kahit na ano. Si Jackson Samaniego ay amo niya, iyon lamang ang dapat na isipin niya habang nagtatrabaho siya sa kompanya nito. Nagkibit na balikat si Chelle. Hindi naniniwala na may kinalaman ang pagkasunog sa kusina ni sir Jax ang kung bakit nagtanong ang lalaki sa kaniya. Iyon na kasi ang ikalawang beses na tinanong nito ang tungkol sa kaibigan. “Hindi ano. Ang totoo niyan, ito na ang ikalawang beses na nagtanong si sir Jax tungkol sa’yo.. Ang una ay noong unang araw na na-transfer ka sa marketing. Nagtanong siya kong nag-resign ka ba, at ito naman ang ikalawang beses. Girl, iba talaga ang kutob ko kay sir Jax. Parang soon magkakaroon talaga ng isang major revelation dito sa diamond building!” Impit pa itong napasigaw, tila kilig na kilig ito sa mga pinag-iiisip. “May atraso kasi ako ksy sir Jax. Dapat nga babayaran ko pa iyang damage na nagawa ko sa kusin niya. Naninigurado lang iyon na hindi ko tinakasan ang responsibilidad ko sa kaniya,” paliwanag ni Bree. Napanguso pa nga siiya dahil naaalala na naman niya ang kapalpakan niya sa harap ng among lalaki. “Hindi talaga e! At alam mo ba, pagkatapos niyang magtanong sa akin, pagkalipas ng isang oras ay lumabas si sir Jax, ang sabi niya kay Rex na bababa lang daw siya saglit. Sa tingin mo, saan kaya iyon nagpunta? Bumalik din siya kaagad, pero alam mo ba, girl? Galit si sir Jax noong bumalik sa opisina.” “Galit? Paanong galit? Hindi ba palagi naman galit ang isang iyon? May araw ba na hindi iyon nagagalit?” “Hindi iyon! Basta, galit siya noong bumalik sa opisina. Nagtataka nga kami kasi wala naman itong kaaway o pinagalitan ng empleyado.” “Nako, sinasabi ko sa’yo Chelle, tigilan mo na ang kakatsismis tungkol diyan kay si Jax. Kapag nalaman niyang pinagkakakalat mo ang mga nangyayari sa opisin, siguradong lagot ka.” Muli na naman na hinampas ni Chelle ang balikat ni Bree. Bree just glared at her. “Kaya nga sinasabi ko sa’yo na dapat walang ibang makakalam nito. Ayoko naman nag pagsimulan ito ng tsismis ano.” Tumigil ito saglit sa pagsasalita at mabilisan na nagkumain. After several scoops of food, Chelle continued talking. “At ito pa ha, pagkalipas ng isang oras mula noong bumalik na galit si sir Jax, dumating iyong sikat isang sikat na model ngayon, si Caroline Suarez, kilala mo siya, hindi ba?” Bree was about to put food into her mouth, but she halted the spoon halfway from her mouth. Doon na talaga nakuha ni Chelle ang atensyon niya. Napalunok si Bree. So, totoo talaga ang balibalita kanina. Bumilis din ang t***k ng puso niya. Sigurado si Bree na mas marami ang alam ni Chelle tungkol doon sa pagbisita ni Caroline kay sir Jax dahil nasa iisang palapag lamang sila. “Si Caroline Suarez?” Bree couldn’t understand her voice. Bumalik kasi iyong naramdaman niyang panliliit sa sarili kanina. “Oo, ang ganda pala ng babaeng iyon? Ngayon ko lang siya nakita sa personal. Ang liit ng mukha niya at ang amo, kaya pala sikat na sikat siya at maraming gustong kumuha. Pero hindi diyan nagtatapos, girl.” Tumigil na talaga si Bree sa pagkain. Nilapag niya ang kutsara sa plato at hinintay ang susunod na sasabihin ni Chelle. She can’t wait to hear what she has to say. Kahit na kakaiba ang naramdaman niya, gusto niya pa rin malaman ang detalye! Para talaga siyang baliw! “Makalipas ng halos isang oras ay lumabas si Caroline sa opisina ni sir Jax... ng paika-ika ang lakad, girl!” Nahigit ni Bree hininga sa rebelasyon na pinasabog ni Chelle. She already knew about that, but hearing it directly from the one who witnessed it was something more. Nalukot ang mukha ni Bree dahil doon, hindi niya maiwasan dahil naiinis na talaga siya! Anong klaseng lalaki ba iyong si sir Jax? Nanlulumpo ba iyon ng babae sa kama? Hindi siya inosente para hindi malaman ang dahilan kung bakit naging ganoon ang paglakad ni Caroline! Hindi siya bata! “Mukhang doon ibinuhos ni si Jax ang galit kay Caroline. Ano kaya ang dahilan niya? Ano sa tingin mo?” tanong pa ni Chelle kay Bree. Pinanlakihan ito ni Bree ng mga mata. Inilibot niya ang tingin sa paligid dahil baka may nakikinig sa kanilang pinag-usapan! “Aba, malay ko diyan! Tigilan mo ng nga iyan Chelle, ako talaga natatakot sayo, alam mo naman siguro na ayaw na ayaw ni sir sa mga tsismis na iyan.” Hindi siya pinansin ni Chelle. Sumandal ito sa silya inuupuan pagkatapos nitong uminum ng softdrinks. “Isangdaang porsyento akong postive,” dagdag ni Chelle. Nakatitig ito ngayon kay Bree. “Na ano?” “Pababalikin ka ni sir Jax sa opisina niya. Sigurado ako diyan, mukhang hindi siya maka-focus sa trabaho niya lately, e.” “Ewan ko sa’yo, Chelle. Imposible iyan dahil galit iyang si sir Jax sa akin, sinunog ko ba naman ang kusina ng pinakamamahal niyang asawa. Naghihintay nga ako kung magkano ang deduction sa sahod ko.” Sa sinabi ay nanalumo si Bree. Nakalimutan niyang kailangan pa pala niyang humanap ng isa pang pwedeng pagkakitaan ng pera. Kapag kasi nag-deduct na si Jackson sa sahod niya ay sigurado siyang hindi na siya makakaipon para sa susunod na pasukan. Hanggang pagkian at bayad sa upa na lamang ang maiiwan sa sahod niya. Nagulat si Bree nang bigla na lamang siyang sinipa ni Chelle sa ilalim ng mesa. Nagtatanong na napatingin siya sa kaibagan. “Mukhang papunta si sir Renz dito sa mesa natin,” mahinang saad ni Chelle. Nahanap kaagad ni Bree ang tinutukoy nito. Sir Renz was all smiles as he made his way towards their table. Napangiti si Bree. She actually liked him for being so humble and kind. Hindi din nakadama ng poagkaasiwa si Bree sa lalaki. In fact, Bree could feel that he could be trusted. Ang mga tingin kasi nito sa kaniya ay walang malisya. Bree knew firsthand how a man would look to a woman with lust. Palagi niyang nakikita ang mga ganoong tingin sa mga propersor at kaklase niya sa kolehiyo. “Hi, ladies. Can I join you?” Renz flashed his mega-watt smile and all the ladies inside the cafeteria almost melted. He had that effect to almost all ladies in the building. Tipid na ngumiti si Bree. Magsasalita na sana siya nang bigla naman siyang sinipa ni Chelle sa ilalim. Pinandilatan niya ito ng mga mata. Nakakagulat kasi ang mga sipa nito dahil ang lalakas, parang sipa ng kabayo. “Nako, ayos lang, sir Renz. Mas lalo kaming gaganahan kumain nito.” Si Chelle. Napailing si Bree sa mga pinagsasabi ng kaibigan. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang pinaglalaban nito. Isang masarap na tawa ang lumabas sa bibig ng binata. At forty years old, Renz was still in shape. Hindi mo malalaman na kwarenta anyos na pala ang lalaki dahil sa ganda ng tindig nito at dahil na rin sa anking kaguwapuhan nito. He looks truly young. “Hi, Bree. Did you finish your food already?” Napatingin si Bree sa pagkain na nasa plato niya pa. Tumigil siya bsa pagkain kanina noong sumama ang pakiramdam niya. Now, she felt like she has to finish this in front of her superior. “Hindi pa, sir Renz.” Tipid na sagot ni Bree. Now, she’s forced to finish this food. Ngumiti na lamang siya sa lalaki at kinuha ang kutsara at nagsimulang sumubo ng pagkain. “Good. Sabayan niyo ako.” Masayang kausap si sir Renz. Naging maingay ang mesa nila dahil sa mga biro nito. Kahit na ang mga babae sa kabilang mesa ay nakikitawa na rin sa mga biro nito. This is one of the reasons why Bre couldn’t help but compare Renz and Jackson. Renz was way too nice. Halos lahat ay kaibigan nito at palaging may respeto ang pakikitungo nito sa lahat, lalong-lao na sa mga kababaihan. Pero naiintindihan naman ni Bree si Jackson kung bakit masama ang ugali nito. At iyon ay dahil sa nangyari kay Katherine Welch, ang namayapang asawa ni Jackson. Napakasakit para sa isang lalaki na makita na walang buhay ang asawa nito atg ang pinakasakit pa doon ay ang paraan ng pagkamatay nito. Kaya lubod niya talaga itong naiintindihan. Ang sakit na nadarama nito ay walang katumbas. She's not in his shoes to judge his actions. Nagbalik sa kasalukuyan si Bree nang sa ikatlong pagkakataon sy sinipa na naman siya ni Chelle sa ilalim. She glared at her, but she just shrugged her shoulders. “May damit ka na ba para sa party bukas, Bree?” tanong ni Renz. Nakatitig ito kay Bree at halatang naghihintay sa isasagot niya. Hindi kasi siya dadalo sa party bukas dahil wala naman siyang pera para bumili ng damit. Lahat ng damit niya sa kaniyang plastic closet ay pawang jeans at t-shirt lang. Kung may casual attire siya ay iyon ang ginagamit niya tuwing pumapasok siya sa opisina. Alanganing ngumiti si Bree sa binata. Paano niya ba sasabihin dito na hindi siya dadalo dahil wala siyang damit nang hindi napapahiya. “Naku, sir Renz. Iyan nga ang problema ni Bree kasi wala naman kami pambili ng damit para sa party na iyan. Nakakahiyang pumunta doon kung naka-jeans lang kami. Kaya naisipan namin ni Bree na huwag na lang pumunta at mag-mo-movie marathon na lang kami sa apartment ko.” Bree closed her eyes. Naiinis na talaga si Chelle. Para kasing nagpapalibre ito ng damit kay sir Renz. Sa tono kasi nito ay parang nagpapaawa sa lalaki. Ang knowing how generous and kind Renz is, sigurado na papahiramin sila nito ng damit. “Don’t worry about it, I’ll take care of it. May kilala akong designer and I’m sure he can lend you both dresses for tomorrow’s event.” Hindi nga nagkamali si Bree. Pumalakpak si Chelle na tila tuwang-tuwa ito sa sinabi ni Renz. “Nako, nakakhiya naman iyon sa’yo, sir Renz. Pero hindi po namin ito tatanggihan.” Bree glared at her once more. Ang kapal talaga ng mukha ng isang ito! Gustong sipain ni Bree ang kaibigan sa ilalim ng mesa pero naisip niya na baka si Renz ang masipa niya sa halip na si Chelle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD