NASA TERASA si Zenna habang tanaw ang kaniyang mag-amang nakikipaglaro ng bola kay Pepito. Minabuti nilang manatili muna sa Del Carmen mansion habang nagpapagaling si Matthew. Kamakailan lamang sila lumabas ng ospital at hindi pa gaanong magaling si Matthew, pero nakikita namang unti-unti nang bumabalik sa dati ang lakas nito. Umagang-umaga at hayun na sila sa labas, nakikipaghabulan sa tuta. Ang lakas pa ng tawa ng anak niya, dinig na dinig sa buong mansion. Nakaramdam siya ng init sa puso sa tanawing nakikita. Tama si Rael, malaki ang ipinagbago ni Matthew. At ang pagbabagong iyon ay para sa kabutihan ng relasyon nila. He has matured a lot since dumating sila ni Nate sa buhay nito. Ang dating playboy Ricaforte, naging responsableng ama at tapat na asawa Napangiti siya. Wala na siyang