NATHALIE KARARATING NI MATTHEW mula sa trabaho nang maabutang umiiyak si Nathalie, ang kanilang pangalawang anak. Babae ang kasunod ni Nathaniel, na pinangalanan nilang Nathalie na ang ibig sabihin ay ‘Birthday’ or ‘Christ Birthday’ Eksakto kasing December 25 nang maipanganak ito ni Zenna. “ Daddy, ” tawag sa kaniya ni Nathaniel nang mapansin ang pagpasok niya sa silid. Magtatatlong taon na rin ang panganay nila, at paunti-unti ay nakabibigkas na ito nang malinaw. “ Thalie want milk but Mommy won't wake up, ” sumbong nito at agad na sinalubong ang ama. Bakas sa cute na mukha ni Nathaniel ang pag-aalala sa kapatid. “ It’s okay. Let Mommy sleep. Pagod at puyat kasi siya sa baby sister mo, ” aniya. Binuhat ito at hinalikan sa pisngi. “How’s my big boy? ” “ I'm great. I ate a lot