SUMAGAP SIYA NANG SARIWANG hanging nagmumula sa dagat. Papalubog na ang araw at tanaw niya ang malawak at asul na tubig ng Spiaggia Libera Darcena beach sa Viareggio. Nasa Italy sila ni Matthew para isang linggo nilang honeymoon. Regalo ng ama ng ama ni Matthew ang isang bagong yate para sa kanilang honeymoon. Pinili na nilang puntahan ulit ang lugar kung saan sila unang nagkita at nagkakilala ng asawa. Napangiti siya nang maalala ang mga panahong iyon. A one-night stand that tied them into forever. Mahirap paniwalaan na nagtagpong muli ang mga landas nila ni Matthew. But here they are, happily married. Perhaps this is how destiny works. Naramdaman niya ang pag-upo ni Matthew sa kanyang tabi at ang pagpulupot ng isang bisig nito sa kanyang baywang. Hinalikan siya nito sa kanyang pi