ROMANTIC WEDDING PAKIRAMDAM NI ZENNA ay siya ang pinakamaganda at pinakamaligayang babae sa araw na iyon. Ngayong araw ay kasal na nila ni Matthew. Suot niya ang very owned designed niyang Beige Strapless Sweetheart wedding gown. Lahat ng mga taong dumalo sa kasal nila ni Matt ay sa kaniya natutok ang atensyon nang magsimula nang tumugtog ang wedding march sa organ. Dumako ang mga mata niya sa lalaking matiyagang naghihintay sa kaniya sa dulo ng aisle. Nag-init ang dibdib niya nang makita ang ekspresyon nito. Titig na titig ito sa kaniya ng may paghanga, pagkamangha at puno ng pagmamahal. Karga nito si Nathaniel na katulad din ng kay Matthew ang suot nito. Their little prince who was looking at his father with furrowed eyebrows. Mukhang hindi nito maintindihan ang ekspresyon ng ama