"May past ba talaga kayo ng gwapong Lawyer na 'yon?" tumingin sya ng masama sa kaibigan nya at nag peace sign lang to. "Oo na hindi!" umirap ito sa kanya at tumawa lang sya ng mahina.
"One night stand lang naman." dahil pang don lang naman talaga sya.
"OH MY G!" kumunot ang noo nya sa kaibigan nya s***h manager. "ONE NIGHT STAND!"
"Tanginang bruha na! Kailangan talaga isigaw?"
Nag peace sign nanaman ito sa kanya at umupo sa harapan nya. "Alam mong mag kaibigan tayo. Kaya pero baklaaaaaaa! Ang lucky lucky mo alam mo ba yon!"
Kunyare pa to nag pupunas ng luha at napailing nalang sya. "Sya yung pinaka batang HOT na lawyer sa buong Asia tapos di ko alam na nag chukchukan na pala kayo."
"Chukchuckan ampt!" natawa ito ng malakas. "PERO SA MONDAY! FRIEND, SASAMA AKO SAYO TALAGA! KAYONG DALAWA MODEL, ENEBE!" She rolled her eyes.
"Gaga kang babaita ka! Manahimik ka nga dyan!"
Hindi sya halos makapag isip dahil sa kaibigan nya. Siguro naman sa monday na ang huli nila pag kikita kung sakali diba? Kahit nag titigan lang sila kanina ay masyadong malakas ang t***k ng puso nya at di sya makapag salita ng maayos. Hindi na talaga sya normal, tangina.
Hirap mainlove pag alam mo kung san ka dapat lulugar.
"HOOY AYANA GARCES! LANDI MO!" natawa lang sya ng mahina dito.
"Alis na me, Wala naman si ako gagawin here! Byers!"
Mabilis nyang kinuha ang gamit nya at nag lakad ng palabas sa opisina ni Julia. Nag tuloy tuloy sya hanggang sa parking lot at napahinto sya ng makakita sya ng isang lalakeng nakatalikod.
Hindi muna sya tumuloy sa pag lalakad at pinag masdan nya ang lalakeng nakatulog habang nag hihintay sa kotse nya. Pinag masdan nya ang likod ng katawan nito, halatang batak na batak ito. Naka suot lang ito ng tshirt at mas lalo mong mapapansin ang malaking katawan nito. Bahagya ito tumingin sa pwesto nya pero agad syang nakapag tago.
Napamura sya ng mahina dahil nakilala nya agad ang lalakeng yon!
Tangina talaga David.
Napamura sya ng ilang beses sa isip nya. Ngayon di na nya alam ang gagawin nya. Dalawa lang ang choice nya. Pupunta sya don o papasok nalang ulit sya sa loob? Pero maiinip lang sya sa loob ng Agency.
Tangina, pati sya pinoproblema ko... Pero teka? Bakit nya ba pinoproblema ang lalakeng 'yun kung pwede naman nyang iwasan diba? Saka pwede naman nya 'tong tarayan? Or kaya mag pasalamat ng harapan?
Oo tama! Mag papasalamat sya dito dahil sa Tv commercial!
Tumayo sya ng mabilis at inayos nya ang sarili nya. Huminga pa ng malalim at saka humarap don. Nag lakad sya na parang walang nakikita papunta sa kotse nya at kunyare nabigla ng matagpuan nya to sa gilid ng kotse nya.
"What are you doing here?"
Oh pak english with matching serious tone pa! Pwede na ko mag artista! Baon ko pa yan.
Bigla ito napaayos ng tayo dahil don. Ngumiti sya ng tipid dito. "A-ahmmm."
"Oh by the way, thank you for earlier. First time ko nag karoon ng commercial and na appreciate ko ang ginawa mong pag banggit ng pangalan ko sa kanya."
Oh ah! Pak na pak! Walang mali at di nauutal 'yun ah! Pwedeng pwede na talaga, sasali ako sa acting workshop bukas! Charrot lang syempre.
Nakita nya ang pag lunok ito at natulala sya sa pag galaw ng Adam's apple nito. Umiwas sya ng tingin at ayan nanaman ang baliw nyang puso na bumibilis dahil lang don.
"Wala ka bang sasabihin? I have something to do pa kasi." tumingin ulit sya dito pero hindi ito nag salita. Bangkus umalis ito sa pinto ng kotse nya at binuksan nya to. At papasok na sana sya pero bigla ito nag salita.
"H-how are you?" kumunot ang noo nya.
"Pardon?" umiwas ito ng tingin. "I'm fine. I have to go."
Pumasok sya sa kotse nya at sinarado ng mabilis don sya napapikit at sinabunutan ang sarili|! Damn! Buti nalang tinted ang kotse nya hindi nito makikita ang itsura nya.
Nakakainis! "Bakit ba di ka tumitino pag kaharap mo 'sya ah?!" Galit na sabi nya sa puso nya. "Tumino ka pwede? Hindi ka pwede tumibok sa kanya!"
"Stop degrading yourself. You're worth it, baby."
Mabilis nyang instart ang kotse nya at iniling ang ulo nya. Damn! What was that? Bakit pumapasok nanaman sa isip nya yon? Umaakto naman sya ng hindi mababa sa ibang tao ah?
Pero tingin mo sa sarili mo mababa ka.
"Damn!"
Napasampal sya sa manibela nya at huminga ng malalim. Nakita nya si David na nakatingin parin sa kanyang kotse. Kaya naman mas binilisan nya ang pag alis sa pag antras at umalis don. Patuloy parin ang mabibilis nyang t***k at di nya alam kung ano ang gagawin nya.
"Stop degrading yourself. You're worth it, baby."
"If i'm worth it, bakit walang lalakeng nag mamahal sakin?" she asked herself. "Why they can't love as me?"
Damn! Napapaenglish nanaman ako!
Natawa sya sa sarili n'ya dahil don. Mabilis nyang pinuntahan ang lugar kung san mawawala ang bigat ng loob nya. Nang makapunta sya don ay sumalubong agad sa kanya ang mga youth nya.
"Hola mga bebe!" masayang bati nya.
"Ayana!" bati sa kanya ni Jeff. Isa sa mga ka youth nya na nasa Music team. "Ano? Kakanta ka ba bukas?" he asked.
"Pag iisipan ko! Ano ba kakantahin?" she asked.
"Mahal na mahal kita panginoon, Endless praise, Holy spirt and Greater are you."
"Weee?!" Lumapit sya sa kantang naka sched sa bawat sunday! "Pag iisipan ko pa!" natawa sa kanya si Jeff. "Sige na nga!"
Kinuha nya ang mic at umupo sa gilid ni Jeff habang busy ito sa keyboard. Ang si Derrie naman ay nasa Drum na nakangiti sa kanya. Kumindat sya dito at dumila lang ito sa kanya. Nasa bassist naman si Rr at nag simula na.
"Mahal na mahal kita Panginoon.Mahal na mahal kita Panginoon~~Kailanma'y di Ka ipagpapalit.Pagka't sa piling Mo'y langit.Mahal na mahal kita Panginoon~"
Tumingin sya sa pinto kung san pumapasok pa ang ibang ka youth nya. Tuwing saturday ay nag kakasama talaga silang lahat. Hindi man halata sa kanya na kabilang sya sa Christian church pero alam nya 'yun sa sarili nya. She's accept Jesus Christ as her Lord and Savior, even na marami syang problema hindi nya nakakalimutan lumapit dito at umiyak. Dito din sya masaya, ang mag lingkod kay God.
"Habang buhay papupurihan Ka. Habang buhay maglilingkod sa 'Yo.Habang buhay pag-ibig ko Sayo iaalay ~"
"Mahal na mahal kita Panginoon.Mahal na mahal kita Panginoon~~ Kailanma'y di Ka ipagpapalit.Pagka't sa piling Mo'y langit.Mahal na mahal kita Panginoon~"
Natapos na ang isang kanta ay lumipat agad sila sa Endless praise. "Ako lang ba kakanta bukas?" she asked.
"Oo, ikaw na. Para naman mapahinga ang boses ko!" sagot ng isang Singer nila sa church.
"Bakit ano ba nang yare sa boses mo at napagod?" natatawang tanong nya.
"Edi nag cheer sa crush nya!" sabat naman ni Derrie na tawa ng tawa.
"Manahimik ka Derrie!"
Napuno ng tawanan ang church at kahit si Jeff na nasatabi nya ay natawa. Napakagat sya ng ilalim ng labi dahil hindi parin alam ng mga kaibigan nya dito sa Youth about sa totoong buhay nya. Hindi sya makatayo sa gitna upang ikwento ang buhay nya. Takot ang kanyang nararamdaman na baka husgahan sya. Pero pinag pre pray naman na nya sa sarili nya yon. Na balang araw, tatayo sya sa harapan at ikwe ikwento ang tunay nyang buhay. Nag simula na ulit silang tumugtog at nanonood lang ang mga ka youth nya.
Hindi naman kagandahan angs boses nya, pero dahil may recital sa church nila ay sumali sya. At naayos mabuti ang boses nya. Hindi sya nahihiyang kumanta dahil alam nyang nasa tono sya.
"Oh, there is no other. You are forever, Lord over all. Thereʼs nobody like You, no one beside You~ To You. Let endless praise resound. Every night and day, and with no delay.Let endless praise resound ~"
Ilang beses nila pinratice ang kanta hanggang sa abutan sila ng ala sais. Sabay sabay silang kumain at nag prayer meeting sila para sa mga taong unbeliever at para nadin sa mga problema nila.
Napuno ng tawanan at usapan kay God ang nang yare sa kanila. Tumingin silang lahat kay Joy na mukang may problema.Madal dal to tulad nya at halos ito ang baby nilang lahat dito dahil sa mababaw. Mababaw ang luha, mababaw din ang kaligayan. Madaling mahulog at masaktan, parang sya.
"May problema ba, joy?" Hindi nya maiwasan tanungin to.
"H-huh?" Ngumiti sya dito at umupo sya sa tabi nito.
"Care to share?" she asked again.
"Ano gagawin mo kung itulak ka ng taong gusto mo?" napahinto sya sa tanong nito. "M-masakit kasi, di ko ata kaya." ngumiti lang sya.
"Itulak?" tumango ulit sya.
"Alam kong di mo pa 'yon nararanasan dahil maganda ka, sexy ka, maputi ka, makinis ka." bahagya syang natawa pero may halong pait.
"Kung alam mo lang..." halos araw araw syang tinutulak lumayas ng mommy nya sa buhay nito. "So, ano gagawin mo?" tanong nya muli.
"Should i chase him?" malungkot na tanong nya.
"Ilang beses ka na ba nyang tinulak? At yun bang tinutukoy mo eh yung crush mong pinag chi-cheer mo sa basketball?" she nodded.
"Halos araw araw nalang sa tuwing may laban sya." malungkot na saad nito.
"Pray for him, pag pray mo na sana tignan ka nya na mahalin ka nya, na sana wag ka nyang itulak, na sana makita nya ang halaga mo." sagot nya dito. "Minsan kasi hindi porket nag pray tayo kay God ay agad nyang ibibigay. Kailangan din natin mag hintay at gumawa ng paraan para ibigay nya ang gusto natin." she said.
"Ginawa ko naman ah? Talk and Walk, ginawa ko pareho 'yun." she shooked her head.
"Umaabsent ka minsan sa church for his basketball, right? Wrong move agad 'yun." umiwas ito ng tingin. "God is our priority, wag mong gawin priority ang mga 'yan. Kay God? Hindi tayo masasaktan, pero ang lalakeng 'yon, sasaktan ka. Be patient, give him space and serve our God." She smiled. "Si God nasatin ang buong atensyon nya, pero ikaw? Na kay nino? Nasa taong mahal mo na patuloy kang sinasaktan? Si God? Nasasaktan din sya. Kasi na sa'yo ang buong atensyon nya pero ikaw nasa iba." napatulala ito sa sinabi nya. "Alam kong pinadala ako ni God upang linawin ang lahat ng ito sa iyo."
"A-ano ginawa ko?" naiiyak na tanong nito.
"Hindi pa naman huli upang itama ang lahat. Maaaring nagawa natin pero gawin nalang natin syang lessons sa buhay natin. Pray for yourself at humingi ka ng tawad sa ginawa mo." tumulo na ang luha nito at tumango. "Kung sya ang para sa'yo? Ibibigay ni God yan. Wag mong unahan ang plano ni God para sa'yo. Hintayin mo and gumawa ka ng tamang aksyon." hinawakan nya ang kamay nito. "Now, Let's pray."
Mataimtim nyang pinag dasal ang kanyang kaibigan at pag katapos ng usapan nilang lahat ay umuwi na sila. Hinatid nya si Joy sa bahay nito at sya naman ay umuwi sa bahay nya. Sa pag pasok nya ng bahay ay sumalubong agad sa kanya ang kanyang ina na nakataas ang kilay.
Umiwas lang sya dito pero agad ito nag salita. "Pathetic." Hindi nya nalang ito pinansin at pumasok sa kwarto nya.
Napaupo sya sa kama at di nya alam kung bakit pagod na pagod sya. Nawala sa isip nya si David kahit papano ng nasa Church sya. At ang mga sinabi nya kay Joy ay tumatak sa isip nya. Hindi sya makapaniwala na masasabi n'ya yon.Pero ang sarili nya di nya kayang sabihan.
"God, should i give up?"she asked. "Give me a sign na nag papahiwatig na wag akong sumuko." sabi nya pa. "God, kayo na po bahala sakin. Kayo na po kumontrol sakin, iyong iyo po ako dahil alam kong di nyo ko iiwan. Hindi nyo ko pababayaan and also my mom. God, please heal her, heal her wounds. Help her to forgive herself. Amen."
~