"But my God i know that i'm Your Child... And You ask me is to believe...~ Greater are you, over the worst of pain.. Under your love rain, I'm restored.Now all that I AM IS YOURS..Stronger are you, you carry me in Your embrace~Unchanging through all of my days My rewad, IS knowing that I'm is Yours~"
"GOD! Please, fill atmosphere, your glory God is what our hearts long for. God, guide us no matter what happen. God, patawarin nyo kami sa lahat ng ginawa namin. Alam namin na hindi mo kami pababayaan kahit anong mang yare. Inyong inyo kami God, habang buhay ka namin pag sisilbihan."
Unti unti silang natapos kumanta at nag punas ng luha. Ngumiti sya sa mga ka youth nya na ngayon ay nag pupunas ng luha. And she saw Joy and the back.
Naupo na sya sa likod at uminom ng mainit init na tubig. Pumunta na sa gitna ang kanilang leader at nag simula na silang mag basa ng scripture.
"Walang mapapa ang galit na nararamdaman natin. Tayo lang, tayo lang din ang mahihirapan kung hindi tayo mag papatawad sa taong nag kasala satin. Si Jesus, hindi pa tayo humihingi ng tawad pero napatawad n'ya na tayo. Ngayon tayong mga nilikha nya na dapat matutong mag patawad."
Natapos ang Church nila at sabay sabay ulit silang kumain. Tumunog ang cellphone nya at bumungad sa kanya ang Text ni Julia na nag papaalala na bukas na ang kanyang photoshoot at Tv commercial.
At sa baba naman ng pangalan ni Julia ay may isang Unknown number na agad nyang binuksan.
"GoodMorning, Baby. Eat your breakfast."
Kumunot ang noo nya at nag text ulit to. "GoodAfternoon, baby. Eat your Lunch. :* "
"Wow! May boyfriend ka na?" Mabilis nyang tinago ang cellphone nya at tumingin kay Derrie na ngumingiti ngiti. "Sino yun ah? Baby ah!"
"Huh?"
"May boyfriend ka na?"
Napatingin sya kay Jeff dahil sa tanong nito. "W-wala." mabilis na tanggi nya dahil wala naman talaga.
"Wee? Ba't may Goodmorning, baby. Eat your lunch." Napairap sya kay Derrie dahil don.
"Nakita mo naman sigurong Unknown number diba? So di ko alam kung sino sya. Edi sana kung boyfriend ko 'yun nag reply na ko." she rolled her eyes.
"Wow! Baka isa sa mga admirer mo! Diba nga kasi modelo ka!" she smiled only.
Pero malakas ang kutob n'ya. Baby? Lumalakas ang t***k ng puso nya at mabilis nalang sya umiling dito. Inalis nya sa utak nya kung sino man 'to at pinili nalang nyang wag mag reply dito. Hanggang alas dos sila namalagi sa church at sa service two naman ay puro Adult na hindi Youth. Sabay sabay silang umalis ng mga ka- youth nya at napag pasyahang pumunta sa park.
"Tuwing sunday lang tayo nag kakasama ng ganito!" masayang sabi ni Joy.
"Hala?! Ba't nandito ka? Diba final na ngayon! Yung Laban ng crush mo!" nag tawanan sila pero si Joy ay nag pout lang. I winked at her.
"Bakit? Mas uunahin ko pa ba ang laban nya kesa kay God? Hindi no! Bahala na sya, saka kahit wala ako dun? Wala naman syang pake!" mapait na sabi nya. "Saka di lang sya ang lalake sa mundo na 'to! Malay mo si Jeff na pala ang forever ko!" sabay kapit nito kay Jeff at natawa silang lahat.
"Nakakadiri."
Bigla nyang sintuntok si Jeff na kinatawa nya. Huminga sya ng malalim at tumingin sa buong paligid kung san mo makikita ang mga batang nag lalaro kasama ang mommy at daddy nila. Sunday is a family day and church day, pero di sya nakaramdam non nung bata pa sya. She always at her room or sometimes gumagawa sya ng homework nya sa school.
"Maka kadiri ka! Pero pag si Ayana kakapit sa'yo gustong gusto mo, Hmp!" napatingin sya kay Joy dahil sa sinabi nito at tumingin sya kay Jeff na namumula ang pisnge. "Yieee, kilig sya oh!" ngumiti sya dito at napuno ng asaran sa pwesto nila.
"Crush mo si Ayana?" Si derrie. "Kaya pala pag nag kekeyboard kay Ayana lang lagi nakatingin!" pang aasar pa nito.
"Hindi lang 'yun Derrie! Naalala mo? Yung Tubig? Nang hingi tayo, pero di tayo binigyan! Yun pala para kay Ayana 'yon!" singit pa ni Rr dito na kinatawa lalo ng mga 'to.
"I live you love you 'til the end of time~~"
Mabilis nyang kinuha ang cellphone nya sa bulsa nya dahil may tumatawag dito. Napangiti sya ng makita nya ang picture nilang dalawa ni Gab na naka kiss sya sa pisnge nito.
"Hello!" masayang bati nya. "I miss you bestfriend Gabby!"
"Hi babae! Sama ka sa Resthouse nla Lyricko sa friday! Kasal n'ya!" nanlaki ang mata nya.
"Oh Em Gi! For real?"
"Yezarooo! At alam mo bang si Mj ang napangasawa n'ya?" sabi pa nito.
"Lah? Akala ko si Via kasi diba 'yun ang ka loveteam nya? Saka diba mag jowa sila?" tanong nya.
"On Cam lang 'yun!" napatango sya. "Diba karamihan naman ganon?"
"Yeah, sabagay."
"Ano game ka ba? Sa huwebes na alis natin?"
Biglang pumasok sa isipan nya si David, kaibigan to ni Lyricko so it means? Kasama ito at mag kikita sila. Damn!
"Pag iisipan ko muna, pwede?" she asked.
"Ayy! Di ka sure? Kasama natin si Mel." napabuntong hininga sya. "Si Kyla naman di ko parin natin alam kung nasaan."
Isa pa 'yun ang problema nila, Si Kyla. Hindi pa nila ito nakikita, simula ng kasal ni Gab ay hindi na 'to nag pakita. Ni man ito nag paalam kung san pupunta at kung kailan babalik. Halos isang taon na pala.
"Text nalang kita kung papayag ako ah?"
"Sige sige! Sure naman sasama ka e--- Ay putek! Ano ba Saimon!"
Biglang namatay ang tawag at natawa nalang sya. Tumingin sya sa mga kaibigan nya na naga asaran parin hanggang ngayon. "Guys, i have to go na." paalam nya dito.
"Ingaaat!" sabay sabay nilang sabi at ngumiti sya dito.
Nag lakad na sya papunta sa kotse nya at mabilis syang pumasok dito. Maya maya ay biglang umilaw nanaman ang cellphone nya at nag text nanaman ang Unknown number na 'yon. "Hey, where are you?"
Hindi nalang pinansin ang text na 'yon at pumunta nalang sa Agency nila.
"Baklaaaaaaaaa!"
"Ingay mong babae ka!" inis na sabi nya. "Akala mo naman kung ano e!" napairap sya dito.
"GAGA BAKLA! ANDITO YUNG HOT NA LAWYER! ITETEXT SANA KITA NA PUMUNTA KA DI---"
"Putangna!" takip nya sa tenga nya. "Isa pa!"
Natawa lang to sa kanya."Ano ba 'yon?"
"Gaga! Nandito ang hot na Lawyer at may ididiscuss daw sa'yo about sa commercial hindi na daw pwede bukas dahil walang oras." napatango sya dito.
"Eh kasi ikaw kung makasigaw ka wagas! Akala mo naman si Daniel Padilla na ang nandito!" she rolled her eyes.
Mabilis sya nitong hinatak papunta sa opisina nila, hindi man sya nakapag handa at nakapag na english na pwedeng sabihin to. Bwisit naman oh oh!
Nang makapasok sila sa Office ni Julia ay umayos agad sya. Lumakad sya na parang isang professional at umupo sa harapan nito. Naka two piece suit ito na kulay gray ang neck tie, bumagay dito ang pomp fade nyang gupit. Ang muka nitong maamo na na hindi nakakasawang titigan pero di nya pwedeng titigan.
"So ano nga pala ang pag uusapan natin?" she asked.
"My granny wants you to be with me later at house. She wants to see you too."
Mahina syang napamura dito. "Anong meron don?"
"Dinner only." balewalang sagot nito sa kanya at napairap sya.
Iniiwasan nya nga ang lalakeng ito tapos mag kikita pa sila? Ni hindi nya kayang tumayo sa harapan nito na tatagal na isang oras, makasama pa kaya ito sa gabi? Parang mag wawala ang puso nya sa mang yayare mamaya, o baka naman lumabas na ang puso nya at kumapit dito?
Kahit isang taon na nakakaraan hindi parin nag babago ang lahat dito. Mahihirapan syang makalimutan 'to dahil bukas siguradong makakasama nya to ng isang araw at sa kasal pa ni Lyricko.
"Dinner? Talagang kailangan kasama ako?" naguguluhan na tanong nya pero syempre alam n'ya naman ang dahilan. Gusto nya lang lituhin ang lalake sa harapan nya. Oh diba?
"Y-yeah, Granny wants you here." she nodded. "A-and wear something comportable."
"Ofcourse! Malay mo naman mag swim suit ako." pambabara nya.
"Pwede din, may pool don. Edi mag night swimming tayong dalawa."
"Ayieeeeeeeee!"
Napatingin sya sa manager nya at tinaasan n'ya ng kilay pero bigla nitong tinakpan ang sariling bibig. Tumingin sya kay David na muntik na mag palaglag sa kanya ng upuan dahil sa ngiti nitong malapad.
"Putangina."
"What did you say?"
"Wala!" inis na sabi nya.
Gusto nyang umalis na 'to ngayon din pero ayaw nya naman magng rude dito dahil nakasasalay ang kanyang first Tv commercial. Kaya naman sya na ang tumayo at lumabas sa lugar na 'yon. Hindi sya pwedeng umuwi ng maaga dahil alam nyang mag aaway lang sila ng mommy nya. Kaya naman pumunta nalang sya sa Male model nag pho photo shoot ngayon at suot suot ay boxer lamang para sa Men's Magazine.
"Ayana, You're here!" she just smiled the male model and she doesn't know him.
Umupo lang sya at pinanood ang mga 'to. Oo mga batak na batak ang katawan at may mga anim na pandesal pero iba parin talaga ang kay David nong isang taon. Sobrang lake ng katawan nito at talagang manginginig ang kalamlam mo pag ito ang nag hubad sa harapan mo.
Putangna!
Napamura nanaman sya sa isipan nya dahil pinag kukumpara nya ang mga male model sa harapan nya kay David. Imbis na inaalis nya sa isip ang lalakeng 'yun pero kusa parin pumapasok.
Mura sya ng mura pero di nya mapigilan. Kasalan ang pag mumura pero etong bibig nya hindi malubayan ang pag mumura.
"Oh! Mr. Aragon!"
Napaayos sya ng upo ng marinig n'ya ang surname ng lalakeng iniisip nya kani kanilang. Pilit nyang pino focus ang mata nya sa mga male model na post ng post sa harapan nya.
"What are you doing here?" the male manager asked him.
"I'm here to invite my newest ambassador of my Granny's Company." normal na sabi nya na.
"Really? Who's the lucky girl?"
"She's here, watching your male models." napairap sya ng mabilis.
"Oh! Ayana, this is your first Tv Commercial, right?" masayang sabi sa kanya at lumingon sya dito ng may ngiti sa labi.
"Yess! Thanks to him!"
"You're very Lucky, then! You know Aragon is the one of big company here and also Firm! Sisikat ka ng mabilis dahil sa kanya! Magiging sunod sunod ang kukuha sa'yo."
Tumingin sya kay David na nakatitig sa kanya, pero ang titig nito ay para bang tagos na tagos sakin. Umiwas sya ng tingin dito at humarap sa male manager.
"I'm not lucky. I'm blessed." pag tatama nya.
Humarap nalang ulit sya sa Male model at bigla nanaman nag salita si David. "Is she always watching this?"
"No. Actually, this is her first time to watching this Men's photoshoot. At alam ko din hindi sya interesado manood ng ganito at nakakagulat lang dahil nandito sya." napairap naman sya sa pag sagot nito.
Oo, nag sasabi ito ng totoo. Kasi lagi nyang tinatanggihan ang mga nag aaya sa kanya ng manood. At wala syang inentertain sa lahat ng nag tatangka sa kanya.
"Oh! Ayana, you should go home."
Tumayo sya at humarap kay David. "It's 3pm, hindi ka naman masyadong excited?" ngumiti sya dito. "Well, san ba bahay ni Granny at pupunta nalang ako." dugtong nya pa.
"Granny wants me to fetch you."
"Then dito mo ko sunduin." mabilis na sagot nya at tumalikod sya dito.
"Bakit hindi sa inyo?" pahabol pa nito. "Bigay mo sakin Address mo at susunduin kita sa inyo." napatigil sya saglit.
Gusto man n'ya pero sa tuwing may mag hahatid sa kanya at susunod ay bigla nalang lalabas ang mommy nya at haharapin ang lalake. Sasabihin nito ang kanyang buhay at sisirain sya sa harapan ng lalake. At ayaw nyang marinig ni David ang lahat ng 'yon dahil alam nyang mawawasak sya ng tuluyan kahit wala naman silang relasyon.
"Wag mo na ko sunduin kung pinipilit mo ang gusto mo. Ikaw lang ang may gustong sunduin ako kasi kung ako? Ayoko."
"Ayana..." biglang umamo ang boses nito. "O-okay."
~