MIKAELA POV. HANGGA’T maaari ay ayaw kong sumama sa kulungan ngunit iyon ang gusto ng aking asawa. Ilang beses din niya akong sinabihan na huwag magpapakitang takot sa kagaya ng kriminal na si Maureen. Pagdating namin sa jail ay kulang na lamang ay sugurin ako ni Maureen, pagkakita niya sa akin. Kung ano-anong masasamang mura din ang binabato niya na kahit yata aso ay hindi kayang kainin. At gaya ng bilin ni Calvin, ang aking asawa ay hindi ako nagpakita ng takot. Kalmado akong naupo sa harapan niya at tinitigan siya ng tuwid. “Kung nakaligtas ka man noon ay hindi rin magtatagal ang buhay mo ngayon. Kahit naririto ako sa loob ng kulungan ay meron akong mga tao na kumikilos upang tuluyan kang alisin sa aking landas. Kaya huwag kang magsaya ngayon dahil bukas o sa mga susunod na araw ay