CALVIN POV. NASA harapan ko si Maureen, at todo pretend pa rin siya kaya hinahayaan ko lamang. Upang hindi rin siya makahalata na meron akong alam sa tunay niyang pagkatao. “We need to talk.” wika pa niya na talagang kinukuha ang aking atensyon. “Ano yon, sige sabihin mo kung anong pag-uusapan natin.” “Mahigit isang taon na tayong mag-asawa pero hanggang ngayon ay hindi mo ako magawang tabihan sa higaan. Ano ba ang problema mo Calvin at lagi ka rin wala sa bansa saan ka ba nagpupunta. O baka naman ay meron ka ng ibang ibinabahay na babae. Alam mo ang mangyayari once na may nalaman ako ay siguradong may mangyayaring hindi mo magugustuhan." "Bakit ganyan ang pananalita mo, parang may halong pagbabanta?" "Tama ka, kaya huwag kang magkakamali, dahil hindi kita patatawarin." "Hindi mo ki