MIKAELA POV. NARIRITO ako sa loob ng kwarto ni Calvin. Talagang napakayaman pala ng aking asawa, kundi pa sinabi ng hipag kong si Kyla ay wala akong alam sa kanya. Tumayo ako at nilapitan ang picture niya na nakapatong sa ibabaw ng shelves. Dinampot ko iyon at tinitigan, nasasalamin ko sa mga mata niya ang kakaibang bagsik. Pero hindi ako nakaramdam ng takot. Bagkus ay pagmamahal at pagka-miss na hindi ko siya nakikita ngayon. Pumasok ako sa loob ng banyo at tumapat sa shower. Ang lagkit ng pakiramdam ko dahil mula sa malayong biyahe. Pagkatapos ay lumubog ako sa jacuzzi at nagbabad doon. Lumipas ang mahabang sandali na hindi ko namamalayan. Nang bigla akong mapadilat sa aking naramdaman. At napatakip ako ng aking mga mata ng makita ang hubad na katawan ng aking asawa. “C-Clavin….” N