ZOEY POV. HINDI agad ako nakakilos ng may yumakap sa aking likuran. Hindi ko man lang namamalayan na naroon si Kyle, kasama ang mga pinsan nito. At nakaramdam ako ng hiya nang makita kong nakatingin sila sa aking tiya. Ang alam nila ay hindi pa kami okay ni Kyle. Pagkatapos makikita nilang buntis na naman ako. “Hipag, paborito ko ang cake na ginagawa mo. Sana marami yan upang magka pag-uwi ako sa SA Agencia.” Malapad ang ngiti ni Levi, habang nakatingin sa ginagawa ko. “Sure, igagawa kita ng isa pa upang dalhin mo sa mga kasamahan mo doon.” “Aba, hindi ko sila bibigyan akin lang yan.” Wika pa niya na ikinatawa ko, siguro talagang ganito ang ugali ng mga Montemayor. Minsan parang bata kung umasta. Nang lingunin ko si Kyle, ay gumawa siya ng kape. Ang hilig nila sa kape dahil siguro sa