KYLE POV. DALA ko ang isang luxury car na pagmamay-ari ni Lola Claudia. Patungo ako ng SA Agencia. Naroon ang mga kapatid ko kaya naman ay agad ko silang pinuntahan. Magmula ng dumating ako dito sa Canada, ay hindi na kami nagkikita. Lalo pa at kasama rin ni Kuya Colt si Brix. Sa aming pitong bastardo ay silang dalawa ang ka-close ko. Yayayain ko sila dito sa mansion upang makilala nila ang dalawa ko pang anak. Dahil tanging si Kyla, pa lang ang kilala ng pamilya Montemayor. Pagdating ko sa parking ay pinagtitinginan nila ang sasakyan ko. Limited edition kasi iyon. At saktong pababa ako ng sasakyan ay nakita ko si Levi. Ibig sabihin ay kasama rin itong dumating? “Oh sh*t! pinsan bigatin ka na talaga. Kaninong sasakyan ito ang ganda pwede bang ma-testing?” “Kay Lola Claudia.” “Doon sa