ZOEY POV. HINDI ko alam kung anong nangyayari sa akin. Kaya ako nagtungo ng ospital, dahil gusto kong makasiguro na mali ang aking iniisip. Kinuhaan ako ng dugo at ihi upang malaman kong ano ang tunay na dahilan ng aking pagsusuka. Marami din itinanong sa akin si Doktora. “Congratulations your six weeks pregnant.” Hindi agad ako nakapagsalita sa aking narinig. Gusto kong matawa sa mga nangyayari. Ang maisip na ang aming mga anak ay bunga ng pwersahan. Matapos akong magpasalamat kay Doktora ay umalis na ako. Hanggang makabalik ako ng mansion ay iniisip ko pa rin ang aking pagbubuntis. Magmula ng pangyayari sa Gym ay hindi ko na siya masyadong nakikita. Hindi na rin kami nag-usap pa ni Kyle, sabagay hindi naman talaga kami nagpapansinan. Mabuti na rin at siya na ang umiwas sa akin dah