KYLE POV. HINDI ako nasaktan sa sampal niya ngunit nasaktan ako sa kanyang pagbibintang. Wala nga akong kalam-alam sa trabaho niya pagkatapos ay ako ang sisihin niya sa mga nangyari. Talagang napakasama na ng tingin niya sa pagkatao ko. Alam kong marami akong naging kasalanan sa kanya. At siguro ay ginagawa niya iyon sa akin upang makaganti. Subalit hindi ko napigilan ang matinding pananabik sa kanya. Kaya naman ay kinuha ko ang pagkakataon upang maangkin siyang muli. Isa pa masaya rin ako na hindi siya natuloy sa kanyang pag-alis. At alam ko namang si Lola Claudia, ang may kagagawan n’on. Kaya ngayon pa lang ay gusto na siyang pasalamatan. Talagang tinutulungan niya akong magkaayos kami ni Zoey. Kaya lang sa nangyaring ito ay mukhang nadagdagan ang galit niya sa akin. Nilingon ko siya