ZOEY POV. ISANG linggo na ang lumipas magmula ng bumalik sa England si Lola Claudia. At sa tuwing umaaga ay nakikita niyang lumalabas si Kyle, nakasuot ng pang jogging. Hindi yata nito alam na merong Gym sa loob ng mansion. “Mommy ko, bakit hindi ka na lang po umalis sa trabaho mo? Ang sabi ni Lola ko sa tuhod, maaari kang humawak ng isa sa Poster company. Para po lagi tayong magkakasama, kapag naririto na si Bunso natin.” Hindi ko inaasahan na maririnig iyon sa aking anak na babae. At tama naman ito dahil talagang dapat kasama na lamang nila ako. Ngayon na may pera naman pala ang pamilya Poster, ay bakit nga ba kailangan ko pang magtrabaho. Pero ayaw ko munang magdesisyon ngayon, pag-iisipan kong mabuti. Mahirap na pagsisihan ko sa bandang huli. Isa pa maaari namang bumalik na lamang a