KYLE POV. NAKAMASID lang ako sa aking anak habang furious ang tingin na binibigay niya sa akin. At nang mga sandaling yon ay wala akong maapuhap na maaaring sabihin sa kanya. “Bakit naririto ka, hindi ba at pinabayaan mo kami. Ngayon anong sasabihin mo bakit bigla kang nagpakita?” “I’m sorry anak, hindi ko alam ang tungkol sa iyo gano’n din sa kapatid mong si Kyla. At kailan ko lamang nalaman na anak ko kayong dalawa.” “Paano mo malalaman kung wala kang ginagawa upang alamin ang tungkol sa amin?” Natameme ako at walang alam isagot sa kanya. Tama naman ang aking anak, wala talaga akong ginawa kundi pagsalitaan ng hindi maganda ang kanyang ina. Kaya paano ko nga naman malalaman ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kyla? “Ang mabuting gawin mo kausapin ang nanay ko dahil malaki ang kasala