ZOEY POV. HINDI ko inaasahan ang pagdating ni Kyle. At kahit ayaw ko siyang makasama ay hindi ko naman pwede siyang pagbawalan. At sabihin hindi siya maaaring mag-stay kasama namin. Dahil kailan ko rin isipin ang kapakanan ng aking mga anak. “Best friend, nakita kong nagtungo sa labas si Kyle. Saan ba ang punta ng lalaking yon?” “Pupunta raw sa supermarket at bibili ng mga pagkain. Siguro ipagluluto niya ang dalawang bata.” “Meron ba siyang cash, hindi ba at kararating lang niya dito sa Canada?” “Ewan ko sa lalaking yon, hindi naman siguro maglalakas loob kung wala iyong pera.” “Bakit hindi mo siya sundan, pakibili mo na rin ng vitamins si Calvin. Nakalimutan ko siyang ibili at kahapon pa naubos ang huling inom niya.” “Okay sige, ako na lang ang bibili, kaya mag-impake ka na ng yun