"Girl, malapit na pasko. Anong regalo mo sa amin?" tanong ni Veronica sa akin nang mag-video call kaming apat. "Bakla, regaluhan mo si Veronica ng vibrator tutal mahilig naman siya sa uten." Sabay tawa ni Dina. "Gaga! Masaya na ako u10 ng asawa ko. Hindi ko na kailangan niyan," sagot ni Veronica. "Cyndi, kumusta naman si Samsam? Nakita ko mga larawan niya sa mga post mo. Tuwang-tuwa siya sa snow," ani Tiffanie. Tumango ako. "Oo, gusto nga niya araw-araw lumabas para makita ng snow." "Nakakalungkot wala ka sa christmas party ng barkada." "Iyon ang isa sa mga ma-miss ko diyan sa Pilipinas. Kapag ganitong papalapit na ang pasko." "Hayaan mo mabilis lang naman ang buwan. kapag bumalik kayo rito gawin na lang natin ang mga party natin para kahit papaano ay ma-experience n'yo rin," sabi