Ang lakas ng t***k ng puso ko pagkatapos ng insidente. Ilang minuto nang nakakaalis si Lawrence ngunit hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Nakaramdam ako ng takot sa ginawa ni Lawrence. Kung wala siguro kami sa bahay ay baka kung anong nangyari sa amin. "Cyndi, bakit gising ka pa?" Lumingon ako at nakita ko si Mommy. Nakatayo siya sa harapan ko at nakakunot ang noo. Pilit akong ngumiti sa kanya sa kabila ng nararamdaman kong kaba. "Mommy, bakit gising na kayo?" Nakakunot pa rin ang noo niyang nakatingin sa akin. Nag-iisip tuloy ako kung nakita niya si Lawrence kanina. "Nakaramdam ako ng uhaw kaya nagising ako. Ikaw, bakit gising ka pa?" takang tanong niya. "A-Ah— N-Nagising ako para silipin si David. Ayan ang nadatnan ko tulog na tulog na." "Nasaan ang isa nilang kasama?" Ang t