"Are you okay?" Isang tapik sa balikat ko ang nagpagigising ng diwa ko. Si David na ang kaharap ko at hindi si Lawrence. Hinanap ko ang kung saan siya nakaupo. Nakita ko siya sa kaliwang nakaupo. "Cyndi!" Biglang akong tumingin kay David. "Bakit?" "What's wrong with you? Kanina ka pa nakatayo diyan." Nakakunot na ang noo ni David. Inikot din niya ang paligid. "I'm sorry!" Umupo ako. Ipinikit ko ang mga mata ko upang hindi ako kausapin ni Lawrence. "You look pale," bulong ni David sa akin. Humarap ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Nahihilo kasi ako," alibi ko. Mas maganda na lang mag-aalala sa akin si David kaysa pag-usapan namin si Lawrence kanina. Muli akong tumingin sa inuupuan niya. Hindi naman siya nakatingin sa akin. Marahil nakalimutan na niya ang nangyari noon. Sana naka