CHAPTER 51

1394 Words

"I'm okay, how about you?" tanong ni David kay Lawrence. Pinagpapawisan ako ng malapot habang nakikinig sa kanilang dalawa. "I'm good, two weeks pa lang ako rito sa Amerika. "Kadarating lang namin kahapon ng wife ko." Sabay akbay sa akin ni David. Napilitan tuloy akong tumingin sa kanya. "Hi!" Pilit akong ngumiti sa kanya. "It's that you, Cyndi?" Nakakunot pa ang noo niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi siya sigurado na ako si Cyndi. Samantalang kahapon ay tinawag niya ang pangalan ko. "Magkakilala kayong dalawa?" tanong ni David. Ibig sabihin hindi niya ito napansin sa eroplano. "I-Ikaw ba 'yan Lawrence Monteverde?" kunwari ay hindi ko siya nakilala. Isang matamis na ngiti ang naging tugon niya sa akin. "Yes, parang nakita nga kita sa eroplano kahapon," sabi niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD