"Mahal! Gumising ka na." Isang halik sa labi ang naramdaman ko kaya iminulat ko ang mga mata ko. Bumangon ako at kinusot-kusot ko ang mga mata upang malinaw ko siyang makita. "Mahal, good morning," sabi ni Lawrence sa akin. Mabilis kong sinipat ang orasan nakasabit sa dingding at nakita kong alas-kuwatro pa lang ng madaling araw. "Bakit ngayon ka lang?" Inis kong sabi sa kanya. Sinuklay niya ang buhok ko. "Ang dami kong shooting na ginawa." "Bakit anong trabaho mo?" Huminga siya ng malalim. "Hindi mo pala natatandaan na isa akong artista." "Artista ka? Ibig sabihin marami ka ng babae na hinalikan?" "Hmm… 'wag kang magselos ikaw lang naman ang mahal ko." Sabay halik niy sa akin sa labi. "Hindi naman ako nagseselos. Nagtatanong lang ako sa iyo. Alam mo naman na wala akong maalal