[LAWRENCE P.O.V] Ilang beses kong nilalaro ang hawak kong ballpen habang pinapanood ko ang commercial ni Irene. Si Irene ang pinsan ni David Aragon na tinanggap na rin ang pagiging model. Kababalik ko lang ng Manila pagkatapos ng isang buwan kong bakasyon. Hindi ako tumanggap ng offer para magawa kong itago ng maayos si Cyndi. Hindi naging mahirap sa akin ang itago si Cyndi dahil nawalan siya ng alaala. Madali ko siyang napaniwala sa lahat ng mga sinabi ko sa kanya. Ngayon, masaya na kaming magkasamang dalawa bilang mag-asawa. Wala akong pinagsabihan na hawak ko si Cyndi dahil wala na akong tiwala sa ibang tao. "Tapos ka na?" Nabaling ang atensyon ko sa manager ko. Ngumiti ako at saka ibinigay ang kontrata para gagawin kong sitcom. Bagamat hindi ako ang main characters sa mga pelikula