CHAPTER 35 Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. Pagkatapos ng lungkot na pinagdaanan, nag-uumapaw naman ang saya sa desisyon na nagawa ko. Ito ang tama, ito ang dapat at ito ang gusto ko. Kanina andito lahat ang mga bridesmaid at ibang mga abay sa kasal. Syempre, kasama doon sina Gina, Claire at Jessie. Masaya din sila para sa akin. Halos puro paruri ang narinig ko pero hindi ko pa talaga nakiita ang itsura ko. Hindi kasi nila hinayaan na tumingin ako sa salamin. Habang inaayusan ako ng kilalang make-up artist, hindi niya ako pinaharap sa salamin. Tinakpan nila ang lahat ng salamin sa kwarto. Grabe talaga kahit nagmamakaawa na ako hindi sila pumayag. Nagtatawanan lang sila lahat. Pati ang mga photographers at videographers, sige lang sila ng kuha ng pictu