CHAPTER 36 Ganito pala ang pakiramdam pag kinakasal, halos dumadaan lang ang mga seremonyas, hindi ko talaga namalayan na tinatanong na ako ng pari. Basta ang nasa isip ko lang, masaya ako at eto na kami sa simbahan at ilang minuto na lang magiging misis na ako. Tinatanong na pala ako ng pari pero, para lang akong estatwa na nakatingin sa kanya. Wala naman kaming wedding bows. Ayaw ko nga ng meron pang ganun. Basta ikakasal lang kami ayos na sa akin yun. “Arin–” tawag sa akin ng mapapangasawa ko. Mahina lang pero para sa akin naka-loud speaker ang boses nya. ‘Ha?!” “Tinatanong ka ni father,” bumulong ulit sya. Oh no! Grabe naman ako. Sa kakaintay ko, na wala na windang na naman ang utak ko at hindi ko narinig ang pari. “Yes, po!” Pinamulahan ako ng mukha, alam ko kahit hindi ko na