CHAPTER 44 Anong kalokohan ang pumasok sa ulo ni Jared para sabihing hindi niya anak si Diego? Sinusustentuhan niya at tinawag niyang ‘son’. Tapos sasabihin niyang hindi niya anak? Unti unti akong humarap sa kanya at tinitigan siya ng mataimtim. Hindi lang ako palamurang tao pero kung nagkataon, sinabihan ko na ito ng ‘punyeta’. Iling- ng iling si Jared ng titigan ko at sinabing, “I swear love, hindi ko laman at dugo si Diego. Hindi ko siya anak.” “Jared, huwag mo nga akong gawing tanga,” masakit sa loob kong sinabi sa kanya. “I swear love. Anak si Diego ng matalik kong kaibigan sa states. Unfortunately, he died so young with a pregnant girlfriend.” Hindi pa rin ako makuntento sa paliwanag niya. Hindi ako kumibo. “Listen–I will tell you everything. Dionie Crisologo used to be a good