CHAPTER 43 Pagkatapos ng pag-iyak, para kahit na paano ay maibsan naman ang bigat ng dibdib ko, pero hindi pa rin nangyari. Mabigat pa din ang pakiramdam ko, kahit ata paulit-ulit akong umiyak, kahitmaubos lahat ang luha ko, hindi ko yata kaya na tanggalin na may anak si Jared sa pagka binata na inilihim pa nito sa akin. Kung siguro nauna niyang sinabi sa akin iyon, baka sakaling iba ang naging impact ng katotohanan na iyon sa akin, kesa ang nadiskubre kong una kung paano niya ako pinaglihiman. Dalawang bagay iyon alam ko, una ang pagkakaroon niya ng anak at ang pangalawa ay inilihim niya sa akin. Sa dalawa mas matindi ang sakit ng pangalawa. Wala na kasi ako magagawa sa nakaraan, pero yung pangalawa direkta kasi ang sakit sa puso ko. Hindi ba siya nagtitiwala sa akin o sadya lang na h