CHAPTER 40 Hindi ako makapaniwala na natapos ang dalawang buwan na halos hindi ko namalayan. Sa dami ng pinuntahan namin na first time kong narating. Yes naman--first time talaga at kasama ko pa ang magaling kong esposo. Hindi talaga naputol kahit isang araw ang ngiti sa mga labi ko habang walang kapagurang nililibot namin ang amin na bansa, may side trip pa sa maliliit na bansa na pwede naming marating. Pumunta kami ng France, Prague, Munich, Zurich, Florence, and Rome. All those beautiful places, in two months, of course, kulang pa ang two months, kung tutuusin, but that’s all my husband could spare. Hindi naman siya pwedeng mawala ng sobrang tagal sa opisina. Kahit na isang linggo na kaming nakabalik from the European trip, pagpikit ng mga mata ko, para pa ring nakikita ko ang mga