CHAPTER 39 At eto na nga kami sa unang gabi pagkatapos ng kasal. Pagkatapos akong ibabani Jared sa kama, nakawedding gown pa ako at naka barong naman siya, tinitigan niya ako ng mabuti. parang bawat pileges ng mukha ko, sinusukat niya. Ang mga mata niya parang umiilaw na bumbilya, at sa dalawang iyon nakikita ko ang repleksyon ko. Ang titig pa lang ni Jared ulam na—masarap na masarap na ulam. Hindi nagtagal at bumaba na ang mga labi niya sa akin. At ang halik niya parang buko pandan o di kaya'y Leche flan. Pero ang amoy niya na dati rati ay nakakaapekto agad sa kaloob-looban ko dahil sobrang bango eh ngayon…amoy alak!!! Hindi ko kaya…parang muuna pa akong malasing sa kanya kesa isagawa ang dapat na laro namin ngayon gabi. Nagpumilit akong makawala at sinabing, “Jared, maliligo