CHAPTER 38 Iniwan na namin ang mga kaibigan naming puro loko-loko bago kami ma-grill na mabuti. Tustado kami paghindi pa namin sila iniwan. Tutuksuhin lang nila kami ng todo-todo. “Gosh! Nilasing ata ako ng mga damuhong yun, ilang shots ang binigay sa akin, sunod-sunod,” sabi ni Jared, pagka sakay namin sa elevator papunta sa suite na nakareserve for us. Kaya pala siya pulang-pula. “Eh–paano ba yan–lasing ka na, eh di matulog ka na lang,” ngising-ngisi ako. Gusto ko ngang tumawa ng malakas, hanapit nya ang katawan ko at ikinulong sa bisig nya. Hindi ko alam kung naglalambing o kumukuha ng lakas sa akin para hindi matumba. Pulang-pula nga si Jared lalo na ngayon kita ko na sa replekyon sa salamin na pinto ng elevator, halatang tinablan siya ng mga alak na ipina-inom sa kanya kanila. Ku