CHAPTER 56 Seven months and two weeks matapos ang aming second honeymoon. Isang gabi… “Ah—ummm.” Hindi ko maintindihan kung saan galing ang hapo na nararamdaman ko gayung natulog lang naman kami ni Jared. Parang may nakadagan na mabigat sa dibdib ko at parang pagod na pagod ako at kinakapos ng hininga. “L-love?” Nagising agad si Jared, masuyong hinagod ang likod ko, hina halik-halikan ang noo ko. “Umm?” Mahinang huni lang ang naisagot ko sa kanya pero nginitian ko siya ng bahagya. “Para kasing umungol ka kanina?” Napahagikgik naman ito ng konti. “Ah—“ umungol ulit ako. Para kasing hindi lalabas ang salita sa bibig ko. “Love, don’t do that?" Saway nito sa akin, at dinagdagan pa, "Especially now alam mong hindi pwede. Kahit gustong gusto ko din,” paalala ni Jared. “What?! A-ano ba