CHAPTER 55 JARED Gising na ako kanina pang alas sais, pero ang mahal kong asawa, lupaypay pa rin at mahinang humihilik pa, napagod ata sa session namin kagabi…hmm, at kaninang madaling araw. Ang sarap lang nakaka-recharge, napawi ang lahat ng pagod ko kahit hindi ako ulit makatulog ng ilang gabi ayos lang. Napatawa ako habang nakatitig sa kanya. Di ko sana balak papahingahin ang astig na asawa ko, parang parusa ko na rin sa kanya dahil sa sobra niya akong pinag-alala ng nakaraan na mga araw, pero may iba pa namang araw. Hindi ko rin naman magagawang parusahan siya ng sobra. Hindi ko naman siya talaga masisi, may katwiran naman siyang mainis at magalit, pero sana hindi naman ako iniiwan. Pwede naman siyang magmukmok lang sa bahay, o awayin ako ng sobra-sobra o hindi ako kausapin pero y