CHAPTER 54 “Arin—“ Nakaharap ako kanina kay Jared, pero bumaling na ulit ako sa mga bundok... at ngayon ay nakatalikod na ako sa kanya. Sa tumitindi na lamig dito dahil hapon na, dapat nilalamig na ako, pero parang may biglang naglagay ng bonfire sa likod ko, damdaman ko na ang init ng katawan ng asawa ko kahit hindi pa nya ako hinahawakan. “Ano ang ginagawa mo dito, Jared?” tanong ko habang nakatalikod ako. Sabi ko kailangan ko ng oras at ako na mismo ang magnanahanp sa kanya pag ayos na ako, pero ang kulit nya talaga. Paano nya kaya nalaman na nandito ako ngayon? Naku! Huwag ko lang malaman na si Gina ang nagsabi sa kanya, lagot sa akin ang babaeng iyon, pag-uuntugin ko ang mga ulo nila. Buti na lang nakaisip na ako ng pupuntahan bukas. So–Mt. Pulag–mag-ready ka na para magkita tayo