Natapos ang maghapong iyon ng tila nasa alapaap si Sailor. Biruin mo naman, dati deadma lamang siya ng lahat. Ni hindi nga siya tapunan ng tingin ng mga estudyante doon dati at kong tingnan naman ei painsulto at tila nandidiri sa kanya. Ngayon, sa bawat pasilyo na madaanan niya ei binabati siya at iyong iba may mga binibigay pang chocolate. "Sailor, sabi ni Mommy and Daddy daan ka daw muna sa bahay," wika sa kanya ni Zion na noo'y kasabay nilang naghihintay din ng sundo nito. Nilingon niya si Ace na noo'y tahimik, sabagay buong maghapon naman itong tahimik, hinahayaan na nga lang niya pero hindi pa rin nawawala ang ka-sweetan nito sa kanya. Kanina sa lunch sobra-sobra ang pag-aasikaso nito sa kanya. Kasabay din nila kanina si Zion pero ramdam yata nitong hindi nagugustuhan ni Ace ang p