"Ano ka bang bata ka! Tigilan mo na ang pag-inom, lasing na lasing ka na," suway ni Aling salud kay Ace. Kanina pa kasi siya umiinom dahil gusto niyang magpakalango sa alak at kalimutan ang sakit ng pambabalewala sa kanya ni Sailor. At maging ang plano nitong tuluyan na siyang iwan. Pero hindi pa rin mawala-wala sa kanyang isipan ei kahit na halos nakaubos na siya ng anim na bote ng alak. Lalo na ang nangyari sa kanya kanina, kahit anong iyak niya at sigaw kay Sailor ay wala talaga itong pakialam. Matigas na ang puso nito para sa kanya na dati naman ay konting lambing lamang niya eh bumibigay na ito. Ganon na ba kasakit ang naidulot niya dito para maging pusong bato na ito pagdating sa kanya? Ang super sweet at super bait na kanyang asawa sa isang iglap naging totally cold na sa kanya. A