"Anong ginagawa mo dito?!" paasik na tanong ni Ace kay Lexy na noo'y tila sinasadya ang pagpulupot ng kamay sa kanyang braso. Iwinaksi niya ang kamay nito at tiningnan ng masama. "What?! May ginawa nanaman ba akong masama? Sumama lang naman ako sa pagsundo sayo kasi baka nga daw nalulungkot ka sabi ni Nanay dahil umalis na si Sailor ah. Parang naging kasalanan ko pa ngayon!" sambakol ang mukhang sabi nito. Kagabi kinausap na niya ito at si Nanay Salud na umalis na ito sa bahay pero naging matigas ito. Ayaw daw nitong tumira sa apartment dahil aalis na daw ito next month. Nakiusap din sa kanya si Nanay Salud na hayaan na munang tumira doon si Lexy. Kinompronta na rin niya si Lexy sa tunay na nangyari noong nakita niya itong tinulak ni Sailor. Hindi ito umamin, at ipinagdiinang si Sailor