"Diyos ko kapatid ko!" sigaw ni Dylan. "Sailor!" sigaw naman ni Zion. Mabilis na tumakbo si Dylan patungo sa kapatid at agad na tinabig si Ace na noo'y tangkang bubuhatin na ang kanyang kapatid. "Layuan mo ang kapatid ko!" asik ni Dylan kay Ace. Binuhat nito ang kapatid at mabilis na isinakay sa kotse nito, kasunod si Zion. Hindi manlang siya pinagkaabalahang hintayin ng mga ito. Naiintindihan naman niya ang mga ito, alam naman niyang galit din ang mga ito sa kanya pero buhay na ni Sailor at ng kanyang anak ang nakataya, hindi manlang kinonsidira iyon ng kuya nito. Mabilis siyang tumakbo pabalik ng villa at agad na lumulan sa kanyang big bike, pinaharurot niya iyon at batid niyang maaabotan pa niya ang mga ito. Kanina, pagdating niya sa may gate ng bahay ng mag ito naka-open iyo