Sa bahay nina Zion. Linggo ng araw na iyon. Birthday na ni Sailor, gaya ng nais niya simpleng salo-salo lamang ang inihanda ng kanyang Mommy Liza. Iniluto nito lahat ang palagi niyang nais kainin ngayong naglilihi siya. Hindi na rin muna niya itinuloy ang kanyang paglo-low carb diet maging ang fasting ay inalis na din muna niya dahil baka makasama iyon kay baby. Pero ipinapangako naman niya na once na pwede na ulit, magbabalik loob siya. Kailangan na niyang ituloy ang kanyang pagpapapayat dapat lamang na alalahanin niya ang kanyang health lalo pa at may baby na siyang kailangang gabayan. Ayaw niyang magkasakit, ang mataba pa naman ay sakitin kaya iibahin na niya ang reason kong bakit siya magpapapayat. Noon kasi ang reason niya ay si Ace at ang mabigyan ito ng anak. Ngayon naman ay dahi