Mangiyak-ngiyak naman habang naglalakad sa aisle si Sailor. Ibang-iba ang kanyang nararamdaman kesa noong una silang ikinasal ni Ace. Ngayon pakiramdam niya ay sobra-sobra ang kanyang kasiyahan at parang nais niyang umiyak na lamang ng umiyak. Ito talaga iyon ei, ito ang palagi niyang pinapangarap noon. Ang magsuot ng magandang wedding gown, iyong sexy siya at hindi mataba. Tapos habang naglalakad sa aisle, naghihintay naman ang kanyang ultimate crush niya noon simula pa lamang noong mga bata pa sila. At iyon ay walang iba kundi si Ace. Tapos ngayon, sa huli pala matutupad din ang lahat ng pinapangarap niya noon, oo at dati nangyari ang ganitong senaryo pero alam niya na hindi kagustuhan noon ni Ace na makasal sila. At batid din niya na galit ito sa kanya ng araw na iyon, taliwas ngayon na