Awang ang mga labing nakasunod lamang ang tingin ni Ace sa astig na si Lexy. Napakasexy nito sa suot na all black racing attire nito. Labas pa rin ang cleavage ng malulusog nitong dibdib, bagay na bagay dito ang leather boots nitong suot, lalo pa at nakapuyod ang mahaba nitong blond na buhok. Bago pa ito sumakay sa motor nito, sinulyapan siya at kinindatan na nakita naman ng kaniyang mga tropa kaya nagkaingay ang mga ito. Hangang-hanga talaga siya sa mga babaeng magaling magdrive ng motor lalo pa at sumasabak din sa motor racing. Ang astig nitong magdrive, grabe kong magbanking akala mo ei hindi babae ang driver niyon. Sa monitor na lamang siya nakatingin dito pero talagang napapaawang ang kanyang labi sa tuwing malalagpasan nito ang mga katunggali nito. Sampu ang kalahok sa racing at pu