Nasa balkonahe si Sailor ng marinig niya ang paparating na kotse na minamaniho ni Manong Boy. Excited siyang salubungin ang asawa dahil na rin halos maghapon silang hindi nagkita, kanina kasing umaga nagmamadali itong magtungo sa pupuntahan nito at siya din naman ay dumating na si Zion para sunduin siya. Ngunit ng pumarada na ito sa parking space ng kanilang bahay. Napakunot noo siya ng makitang hindi lamang ito at si Mang Boy ang magkasama, may kasama itong isang babae. Medyo napataas siya ng kilay ng makitang inalalayan ito ni Ace, kaya agad siyang napalapit sa mga ito. "Asawa ko, sino siya?!" kunot noong tanong niya. Animo nagulat pa si Ace ng marinig ang kanyang boses dahil mabilis nitong nabitiwan ang kamay ng babaeng hawak-hawak nito. "Oh a-asawa ko! Ah si ano, si L-Lexy, nakis