Bumibili kasi si Ace ng favorite niyang palaman doon na mismong gawa ng may-ari ng store kaya talagang dinadayo pa niya. Peanut butter iyon na talaga kakaiba ang lasa sa lahat. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito na noo'y nakasunod pa rin sa kanya at bumili na rin siya ng tatlong tasty bread na may tatak ng pinakasikat na bakeshop sa buong Pilipinas. Kumuha ulit siya ng dalawa na may flavor iyong maraming raisins, gustong-gusto kasi niya iyong papakin habang nanonood ng movie. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong reaksyon ng mga nakakakilala sa kanya kapag nakikita siya. Bihira na kasi siyang lumabas ng bahay dahil sa kanyang katawan. Sobrang laki na niya, mukhang mas mataba pa nga siya kay Sailor. Nasa 106 kilos na siya noong huling nagtimbang siya. Dahil sa sobrang pangungulila