Nakaramdam naman ng awa ang mag-asawa habang nakatingin kay Ace na nakalugmok sa kalsada. Labis kasi ang pag-iyak nito. Iyak na kalunos-lunos at puno ng paghihinagpis. "Hon, hayaan mo na siya. Pumasok na tayo sa loob," aya ni Liza kay Vlad. Pero bilang isang lalaki nararamdaman niyang talagang mahal nito ang kanilang anak. Ngunit bilang isang magulang din at mismong nasaksihan niya kong gaano nagdusa ang kanilang anak mas gugustuhin niyang tuluyang magkalayo ang dalawa. Pero kong ang mga ito talaga ang itinadhana, gagawa at gagawa si tadhan ng paraan kong talagang para sila pa rin hanggang sa huli. Ngunit dahil nga nagtapat na sa kanila ang kanilang anak na si Zion. Mas batid niyang mapapabuti si Sailor sa kanilang anak pero syempre si Sailor pa rin ang magdidesisyon. "Hon pumasok k