Sa tingin ni Sailor ay unti-unting ng bumabalik ang kanyang ala-ala. Kilala na talaga niya ang kanyang pamilya. Hindi dahil sa nagpakilala sa kanya ang mga ito kundi naalala na talaga niya ang lahat. Lalo na ng sabihin ng mga itong itutuloy na nila ang paglipat sa Manila. Parang biglang naalala niya na balak niyang manirahan sa poder ng kanyang Kuya. At sa kanyang pagkabigla, habang nag-iimpake siya ng kanyang damit, lahat ng masasayang alaala nilang magkakasama eh parang tila sine na malinaw niyang nakita. Agad niyang nabitiwan ang hawak-hawak na damit at mabilis na lumabas ng kanyang silid. "M-Mommy, Daddy!" masayang tawag niya sa mga ito na abala din sa pag-iimpake ng mahahalagang gamit. "Oh anak, tapos ka na ba sa mga gamit mo? Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ng kanyang Mommy.