Simula ng mangyari ang insedenteng iyon tila naging tao-tauhan na lamang siya sa kanilang bahay. Si Ace, naramdaman niyang medyo nanlamig na sa kanya. Sinasabayan pa rin naman siya nito sa pagdi-jogging, ito pa rin ang nag-aasikaso ng food niya at sabay pa rin naman silang kumain nito kaya lang hindi na ito ganon ka-sweet. Kapag may mangyayari naman sa kanila, tila palagi itong nagmamadali. Ilang beses na ngang naranasan niyang mabitin dahil ito lang ang nakarating ni hindi nito sinikap na makasabay siya. Iyon ang halos dumudurog sa kanya puso, never pa nagawa iyon ni Ace sa kanya. Ang dami-dami tuloy naglalaro sa kanyang isipan. Na baka may iba na itong gusto kaya ganon na ito sa kanya, na baka may namamagitan na dito at ni Lexy. Lalo pa at mas naging close ang dalawa, hindi na rin ito