"Wow mahal, grabe sobrang laki na talaga ng ipinayat mo!" bulalas ni Ace na ikinasiya naman ni Sailor. Mahigit fifteen kilos na ang nabawas sa kanya sa loob ng isang buwang pagda-diet niya. Sobrang ikinatuwa talaga niya iyon, hindi na rin siya nahihirapan masyado sa pagkilos, lalo na sa paglalakad at pag-eexercise. Tila kinaadikan na nga niya iyon dahil talaga hindi siya pumapalya sa umaga at hapon. Sobrang thankful din naman siya kay Ace dahil todo support ito sa kanya. Napansin din niyang hindi na ito madalas makipag-usap kay Lexy na dati-rati naman ay giliw na giliw pa ito sa pakikipag-usap dito. Lalo pa nga at tungkol sa motor ang topic kaya naninibago talaga siya dito. Pero hinayaan na lamang niya ito ang importante ei sa kanya na ulit ang lahat ng focus nito. Sa bawat araw na nag