"Diyos ko Sailor! Anak ko!" umiiyak na agad na lumapit kay Sailor ang isang matandang babae. Hindi niya ito makilala pero ramdam niya sa kanyang puso na malapit ito sa kanya. Agad siya nitong yinakap ng buong higpit habang umiiyak. Gumanti naman siya ng yakap dito at hindi rin napigilan ang hindi umiyak. Ramdam kasi niya ang matinding pangungulila nito sa kanya. "Nay, paupuin po muna natin si Sailor. Wala pa ho iyang pahinga simula ng performance niya kanina," wika naman ni Ace. "Ay ganoon ba anak, naku pasensya na at ako ay na-excite lang ng masyado pgkakita sa iyo. Aba eh kanina pinapanood ka palang namin ni Lexy habang kumakanta, naiyak pa nga ako kasi napakagaling ng anak ko. Ako talaga ay sobrang proud na proud sa iyo anak ko. Napapahiyaw pa ako kanina lalo na ng magsalita na an