"Mahal ko, gising na tanghali na. Hinihintay na tayo nina Kuya Dylan. Gusto ko na ring makayap ang ating mga anak." wika niya habang pinapaliguan ito ng halik sa mukha. "Hmmm, antok pa ako eh," parang batang reklamo nito sabay ginalaw nito ang ulo at isiniksik sa kanyang dibdib. "Ohh, naglalambing ang mahal ko ah," nakangiting wika niya tsaka yinakap ito ng mahigpit at hinayaang matulog pa ng ilang minuto. Walang pagsidlan ng kasiyahan sa puso ni Ace habang nakatitig sa magandang mukha ng asawa. Kahit kagabi parang naninibago siya dito. Makinis na kasi ang mukha nito at talagang pumayat na ito, parang ibang tao ang nasa kanyang harapan pero syempre batid naman niyang maganda talaga si Sailor kaya lang noon kasi nandidiri siya sa pimples nito pero ng ma-inlove siya dito nawala ang pan