Naging pursigido sa pagpapapayat si Sailor. Unang araw palang niya ei talagang pinuwersa na niya kahit alam niyang hindi tama iyon. Ang sabi kasi ni Doc sa video nito for beginner palang sa diet na itinuturo nito ei less rice muna daw at wag munang pursigihin ang pag-eexercise. Pero unang araw palang niya sa pag-eexercise ei balak niyang isang oras agad siyang magja-jogging. "Aba, asawa ko wag mo namang biglain ang katawan mo baka lalo kang magkasakit niyang ginagawa mo," puna sa kanya ni Ace. "Bakit ba? Ano bang paki mo?! Hindi ba at ito naman ang gusto mo, ang pumayat agad ako, ei bakit ngayon nakikialam ka?!" inis na sagot niya dito. "Hindi naman sa ganon asawa ko, baka kasi hindi kayanin ng katawan mo kapag pinilit mo agad na gawin ang mga hindi mo pa dapat gawin. Beginner ka pal